Sa wakas!... LUIS, PAKAKASALAN NA SI JESSY
- BULGAR

- Oct 22, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 22, 2020

Ang bilis ng sagot ni Luis Manzano nang may magtanong sa kanya kung handa na ba niyang pakasalan ang long-time girlfriend na si Jessy Mendiola.
“Game na!” sey ng TV host.
Host si Luis at guest speaker naman si Jessy sa isang webinar na tumuon sa kahalagahan ng pagiging physically at mentally healthy ngayong may pandemic.
Bukod kay Jessy, nagsalita rin sa webinar sina Dra. Gia Sison, ang aktres na si Iza Calzado, at ang aktor na si Alden Richards.
Sa question-and-answer session ng webinar, isang online participant ang nakatuwaang tanungin si Alden kung sa estado raw ba ngayon ng aktor ay handa na ito sa pag-aasawa.
Natawa ang Kapuso actor dahil single pa siya at wala pang commitment. Pero, sinagot naman ni Alden ang tanong ng "Yes."
Binalingan ni Iza si Luis kung ito raw ba ay handa nang magpakasal. Humingi naman ng permiso si Luis sa girlfriend at natatawang tumango lang si Jessy.
“Sabihin na lang natin, kung gagamitin natin ang sinabi ng isang game show… game na!” sambit ni Luis.
Ulit pa niya, “Game na! Ganu'n kadali para sa akin.”
Sa social media ni Jessy, may nag-comment na follower, “Sana po, magpakasal na kayo.”
Sagot ni Jessy, “All in God’s perfect timing.”
May isa ring nagkomento, “Depende kay Luis 'yan… ehem…"
Mukhang irritable namang sinagot ni Jessy ang commenter, “Depende sa 'ming dalawa ‘yun.”





Comments