top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sa wakas, gold na sa online tourney si De Los Santos

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 3, 2020
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 3, 2020




Tuluyan ng nagwagi ng gintong medalya si dating National Karate team standout James De Los Santos kasunod ng kontrobersyal na pagkatalo nito noong nakaraang linggo, matapos pagharian ang Balkan Open E-tournament-Kata/Kumite Ranked Event-Cash Awards.


Muling dinaig ng dating 2017 Southeast Asian Games medalist si Silvio Cerrone-Biagionil ng South Africa sa iskor na 25.3-24.5 sa E-Kata Individual Male Seniors category para sa ikatlong gold medal ni De Los Santos sa virtual-online tournament. Nagawang daigin ng biennial meet bronze medalist si Cerrone-Biagionil sa Korokotta Cup 2020 sa parehong event sa iskor na 5-0 noong Hunyo, habang nagwagi rin ito ng gold sa Palestine International Karate Cup noong Abril.


Sa nagdaang Adidas Karate Kata at Kumite Open #2 na ginanap noong Hulyo 13-23, naging biktima si De Los Santos ng kontrobersiya ng mawala sa mga kamay nito ang gintong medalya matapos ilipat ito pabor sa kalabang si Eduardo Garcia ng Clube Karate De Olhao’ ng Portugal.


Nauna ng ibinigay kay De Los Santos ang panalo sa pamamagitan ng 24.7 sa 24.1; ngunit pinalitan ito kinabukasan pabor kay Garcia 24.7-25.1, na siya ring dumaig sa kanya sa Sportdata E-Tournament World Series online kata tournament noong Mayo sa katiting na 0.3 difference sa finals.


Pero sa pagkakataong ito ay hindi na pinalampas pa ng 30-anyos na De La Salle University graduate ang pagkakataong matalo muli na nakagawian ng lumahok sa mga virtual-online competitions na kanyang paraan upang mas palawigin at palakasin ang pangangatawan sa gitna ng nararanasang coronavirus pandemic sa buong mundo.


I’m really happy that I claimed my third virtual gold medal. It only motivates me more to train harder for more tournaments to come,” wika ni De Los Santos sa panayam ng Bulgar sa pamamagitan ng online interview.


Bago nito makamit ang pambihirang panalo ay tinalo muna nito sa round of 16 elimination si Nejc Sternisa ng Karateklub Seki SV. Jernej ng Slovenia via 24.1-23.8.

Sunod na ginapi nito si Abdellah Ouchene ng ASS Noujoum Temara ng Morocco sa 24.7-23 resulta. Tuluyan ng winalis nito ang semifinal round ng higitan si Jose Antonio Ordonez-Quiros ng Club Deportivo Shotokan Karate, Okinawa ng Spain sa iskor na 25.4-24.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page