Nasunog ang makina... Eroplanong may 146 sakay, nag-emergency landing sa Davao

by BRT @News | November 22, 2026

Photo: Ang eroplanong may 146 sakay na nag-emergency landing sa Davao - CAAP
Napilitang magsagawa ng emergency landing sa Davao International Airport ang isang Boeing 767 ng Air Niugini nitong Sabado, Nobyembre 21, matapos makatanggap ang mga piloto ng babala hinggil sa posibleng sunog sa kanang makina ng eroplano.
Patungong Port Moresby, Papua New Guinea, mula Hong Kong ang eroplano nang mangyari ang insidente.
Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ligtas ang lahat ng 137 pasahero at siyam na crew member.
Pansamantalang isinara ang paliparan dahil sa insidente, na nagresulta sa pagkansela ng dalawang flight mula Maynila. Patuloy ang imbestigasyon ng CAAP.





Comments