top of page
Aiko Melendez at Kim Chiu - IG.jpg

Sa sunud-sunod na krimen ngayon sa mga iskul… YASMIEN AT ALFRED, PABOR NA IBABA NA SA 12 ANG CRIMINAL LIABILITY NG MGA BATA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 1, 2026



Yasmien Kurdi at Alfred Vargas - FTWBA

Photo: Yasmien Kurdi at Alfred Vargas - FTWBA



Ibinahagi ng celebrity parents na sina Yasmien Kurdi at Alfred Vargas ang kanilang saloobin hinggil sa bullying, karahasan at online safety ng mga bata sa kanilang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nu’ng Lunes.


Bilang mga magulang, nagpahayag ang dalawa ng matinding pagkabahala sa insidente ng pamamaril sa loob ng isang silid-aralan sa Tacloban na kinasangkutan ng dalawang menor-de-edad.


Dahil dito, tinanong sila ng mahusay na TV host na si Boy Abunda, “Kayo bilang mga magulang, nang marinig n’yo na may isang 14-year-old na may hawak na baril at namaril sa loob ng classroom, ano’ng naging reaksiyon ninyo?”


Ayon kay Yasmien, “Una sa lahat, nakikiramay po ako sa mga naulila. Ang hirap. ‘Di ko ma-imagine na mauuna pa sa ‘yo ‘yung anak mo. Ang sakit nu’n.


“I think, sa nakikita ko, parang ticking time bomb talaga s’ya, Tito Boy, na anytime, dahil du’n sa kung paano i-handle ng mga schools ‘yung mga maliliit na incidents, tapos ‘di nila tinutuunan ng pansin, biglang sasabog ang mga ganito, ang mga nangyayaring violence.

“And nakakalungkot, nakakatakot, nakakaalarma ‘yung mga nangyayari kasi alam mong may mas malalim na problema ang lahat — mental health, family communication, social environment, ‘di ba?


“‘Yan ‘yung mga bagay na siguro dapat tuunan natin ng pansin. Kaya nga importante sa bahay, lagi mong kausapin ‘yung anak mo. Tingnan mo ‘yung mga unusual behaviors n’ya, kung meron bang nagbabago. ‘Di lang kasi dapat academics ang tsine-check sa bata, dapat ‘yung emotional well-being din ng bata.”


Samantala, sinabi naman ni Alfred, “Grabe, kinilabutan ako sa takot. As a parent, ang sakit at nakadurog ng puso ang nangyari.


“And s’yempre, nakikiramay tayo sa pamilya ng mga biktima, at sana’y mabilis na gumaling ang mga nasugatan at maging okay sila with psychosocial support. 


“Nang mapanood ko ito sa balita, kinilabutan agad ako kasi, as a father, naramdaman ko ‘yung sakit at saka ‘yung gulat na sobra na talaga.”


Sa panayam, itinanong ni Boy, “Gaano kalaki, sa inyong palagay, ang papel ng online games at social media sa behavior ng mga bata?”


Sumagot si Alfred, “Para sa akin, malaki ang papel n’yan. Kaya ako ay sang-ayon kay Bam Aquino na dapat i-regulate at i-calibrate natin ‘to, pero ‘di naman blanket regulation.”

Kasunod nito, itinanong ni Boy, “Ano’ng pananaw ninyo sa panukalang ibaba ang age of criminal liability? Dapat ba itong ibaba mula 15 taong gulang tungo sa 12?”


Ayon kay Yasmien, “Para sa akin, kung nawe-weaponize na at nagagamit ng mga bata ang isang batas upang makagawa ng krimen, ibig sabihin ay may loophole ito. Kaya kailangang suriin ito ng ating mga mambabatas upang ‘di na mangyari ang mga ganitong sitwasyon. Dapat nila itong pag-aralan nang mabuti at may sapat na sensitivity dahil mga menor-de-edad pa rin ang sangkot.”


Samantala, sinabi naman ni Alfred, “Susugan ko ang sinabi n’ya. Dapat science-based tayo, at bukas ako sa posibilidad na pag-aralan ito.”


Sa nasabing panayam, ipinaliwanag ni Yasmien ang kahulugan ng kanyang post na, “‘Pag may sungay, disiplinahin habang bata pa.”


Ayon kay Yasmien, mahalagang ituwid ang mga maling gawain ng isang bata habang maaga pa.


Aniya, “‘Pag may nakikita kang mali, ‘wag mong kunsintihin. Kailangan mong sabihin sa kanya kung ano ang tama at mali. Kaya tayo nandito, guide them.”

Big tumpak ka riyan, Yasmien! 


Katuk-katok lang po sa mga beautiful mother natin all over the Philippines. Bantayan po natin ang ating mga mahal na chikiting para hindi malihis ng landas. Pak, ganern!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page