top of page

Sa second wave ng vaxx drive — NVOC... 6.4 M Pinoy nabakunahan kontra-COVID-19

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 23, 2021
  • 1 min read

ni Lolet Abania | December 23, 2021



Umabot sa 6.4 milyon indibidwal ang latest tally ng mga nabakunahan kontra-COVID-19 sa second wave ng vaccination drive, na inaasahan madaragdagan, ayon sa National Vaccination Operations Center.


Sa Laging Handa briefing ngayong Huwebes, sinabi ni Dr. Kezia Rosario ng NVOC na tinatayang 992,000 doses ang na-administer nitong Miyerkules, ang huling araw ng pagbabakuna.


Dahil dito, nasa kabuuang 6,404,622 doses ang na-administer mula Disyembre 15 hanggang Disyembre 22, kung saan hindi nakamit ang layon na 7 milyon ng gobyerno para sa mga araw ng pagbabakuna.


“Pero nakikita nating trend kasi nga because of the typhoon, medyo mahina din ‘yung pagsubmit dahil may connectivity issues ‘yung mga local governments natin,” sabi ni Rosario.


“So nakikita natin na as several days pass by na nag sa-submit naman ng datos ‘yung mga LGUs natin ng mga late na reports nila. Most likely we still expect that some will submit tomorrow or even the next day after that,” dagdag pa niya.


Target ng gobyerno ang 54 milyong Pilipino na maging fully vaccinated kontra-COVID-19 bago matapos ang taon.


Ayon sa National COVID-19 vaccination dashboard, nasa 46.3 milyon indibidwal sa ngayon ang fully vaccinated na habang 56.7 milyon naman ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page