top of page
Search
BULGAR

Sa rami ng bobotante, ‘pag kumandidatong Senador si Diwata, malamang manalo!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 26, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KAPAG KUMANDIDATONG SENADOR SI DIWATA, BAKA MANALO SIYA SA RAMI NG MGA BOBOTANTE SA ‘PINAS -- Sa rami ng tagahanga ni Diwata, kapag ito ay kumandidatong senador ay malamang mananalo ‘yan.


Dami kasing bobotante sa Pilipinas na basta sikat, ibinoboto ito kahit wala namang kaalaman sa paggawa ng mga batas para sa kapakanan ng bayan at mamamayan.


Tingnan n’yo ang ilang sikat na naging senador ng ‘Pinas, ‘yung iba “nganga” lang, at ang iba mga pabida lang ang ginagawa sa Senado, pero sa paggawa ng mga batas para sa kapakanan ng bayan at mamamayan, wa’ gawa, boom!


XXX


KAPAG INAPRUB ANG NLEX TOLL FEE HIKE, WALA NA TALAGANG GAGAWIN ANG MARCOS ADMIN, KUNDI PAHIRAPAN ANG MAMAMAYAN -- Humihirit na naman ang North Luzon Expressway (NLEX) management sa Marcos administration ng dagdag toll fee sa July 2024 na P7 sa open system at P0.36 per kilometer sa closed system ng NLEX.

Ito ay malinaw na dagdag-pahirap na naman sa mga motorista, pasahero at biyahero, at sana huwag aprubahan ‘yan, kasi kapag inaprub iyan ng mga alagad ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa Toll Regulatory Board (TRB), eh wala na talagang gagawin ang Marcos admin kundi pahirapan nang pahirapan ang mamamayan, period!


XXX


HINIMAS MUNA NG MARCOS ADMIN ANG BATOK NG MAMAMAYAN SA MUNTING OIL PRICE ROLLBACK AT SAKA BABATUKAN NG MALAKAS SA BIGTIME OIL PRICE HIKE -- Matapos ibida ng mga alagad ni PBBM sa Energy Regulatory Board (ERC) ang 10 sentimong rollback sa gasolina noong May 14, 2024, next week ay may ipaiiral na namang bigtime oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa ‘Pinas.


Kumbaga, mistulang hinimas-himas muna ng Marcos admin ang batok ng mamamayan sa munting oil price rollback, at saka babatukan ng pagkalakas-lakas sa ipaiiral na bigtime oil price hike, boom!


XXX


BAKA MAY EPEKTO SA ISINIWALAT NI EX-P-DUTERTE NA ADIK SA COCAINE ANG PHILIPPINE PRESIDENT, KAYA KAUNTING TURISTA LANG ANG BUMIBISITA SA ‘PINAS -- Sa inilabas na data ng WP Travel para sa year 2024 ay hindi pumasok sa top 40 ang Pilipinas sa naitalang most visited countries sa buong mundo.


Siguro, may epekto iyan sa isiniwalat ni ex-P-Duterte na adik sa cocaine si PBBM kaya kaunting turista lang ang pumapasok sa bansa, kasi baka nag-aalangang bumisita sila (mga turista) sa ‘Pinas dahil ang presidente ng bansa ay naaakusahang bangag sa droga, tsk!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page