top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sa ‘Pinas walang political dynasty na simple ang pamumuhay, kasi lahat rich!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 22, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 22, 2024


AYAW NG MGA TRAPONG MAY POLITICAL DYNASTY, ANG BATAS NA ANTI-POLITICAL DYNASTY KASI SILA ANG TATAMAAN DITO -- Natorete ang mga trapo (traditional politicians) nang magtungo sa Supreme Court (SC) ang grupo ng mga abogado na humihiling na pilitin ang Senado at Kamara na magpasa na ng batas laban sa political dynasty dahil nakasaad naman sa Konstitusyon na dapat magtakda ng batas ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso laban sa political dynasty.


Matotorete talaga, kasi kapag ipinairal na ang anti-political dynasty sa ‘Pinas ay silang mga trapo na may mga political dynasty ang tatamaan dito, period!


◘◘◘


SA ‘PINAS ANG MGA TRAPONG MAY POLITICAL DYNASTY, RICH, MAG-ASAWA, MGA ANAK AT MGA KAPATID LAHAT SILA MILYONARYO -- Dapat na talagang matigil ang political dynasty sa ‘Pinas, kasi sa sistemang ito (political dynasty) ay payaman nang payaman ang mga magkakapamilyang pulitiko, dahil bukod sa may tinatanggap na silang mga nakakalulang suweldo at mga allowances, ay may mga tinatanggap din silang pork barrel at confidential funds.


Sa totoo lang, dito sa ‘Pinas ay wala kang makikitang trapo na may political dynasty na simple lang ang pamumuhay, lahat ng magkakapamilyang pulitiko ay mga rich, milyonaryo ang mag-asawang pulitiko, milyonaryo ang mga anak nilang pulitiko, milyonaryo ang magkakapatid na pulitiko, buset! 


◘◘◘


TAPOS NA SANA ANG HAPPY DAYS NG POLITICAL DYNASTY, KUNG SI EX-VP LENI ANG NAGING PRESIDENTE -- Kung si former Vice Pres. Leni Robredo ang nagwaging presidente, tiyak tapos na ang happy days ng mga trapong may political dynasty.


Nasabi natin ito kasi sa speech ni ex-VP Leni noong April 9, 2018 sa London School of Economics and Political Science sa United Kingdom (UK) ay kanyang sinabi na ang isa sa sanhi ng kahirapan ng mga Pinoy ay ang political dynasty.


Ang nais nating ipunto rito, kung si ex-VP Leni ang naging presidente ay mismo ang administrasyon na nito ang gagawa ng aksyon para matigil ang political dynasty sa ‘Pinas upang matigil na ang pagpapayaman ng mga magkakapamilyang pulitiko at nang sa gayon ay guminhawa naman ang pamumuhay ng sambayanang Pinoy, period!


◘◘◘


SEN. DELA ROSA, SINOPLA NI EX-SEN. TRILLANES -- Sinopla ni ex-Sen. Antonio Trillanes ang sinabi ni Sen. Ronald dela Rosa na handa raw siyang umaktong security personnel o tagabantay ni Pastor Apollo Quiboloy para raw matiyak ang kaligtasan ng pastor.


Sabi kasi ni Trillanes na ang isang elected senator na tulad ni Dela Rosa ay dapat daw ang siyang nagiging protektor ng mga powerless, silang mga senador ang dapat na nagiging boses ng mga voiceless sa lipunan, at hindi daw dapat na ang senador ay nagpiprisinta pang maging protektor ng kaibigan niyang pastor na may mga kasong rape, sexual abuse at child sex trafficking, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page