top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sa pictorial sa magazine… PA-MAKEUP PA LANG NI JINKEE, P25 K NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2022
2 min read

Updated: Jan 18, 2022

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 16, 2022





Na-meet at nakatsikahan naman namin virtually ang dahilan kung bakit mala-Kristine Hermosa ang ganda ni Jinkee Pacquiao sa kanyang Luxury magazine cover pictorial, walang iba kundi ang international Pinoy makeup artist na si Roi Santos.


Kuwento sa amin ng magaling na cosmetologist-make-up artist, first time pala niya 'yung nagawa si Jinkee nang mag-pictorial ito abroad for Luxury magazine.


US-based kasi si Roi at siya ang kinuha ng team ni Jinkee para mag-make-up sa misis ni Sen. Manny Pacquiao nang magpunta ito sa USA.



Puring-puri ni Roi ang ganda ng skin ni Jinkee na siyang asset daw nito bukod sa mata na standout sa facial features ng misis ni Manny.


Bumilib din daw siya sa attitude ni Jinkee na hindi nag-prima donna at napakabait daw at nakipagbiruan pa sa kanya. Hindi rin daw ito maarte bilang client.


Siyempre, dahil ang ganda naman talaga ni Jinkee sa naturang pictorial, tinanong namin si Roi kung magkano naman ba ang TF niya at afford kaya ng mga kababayan natin sa USA na magpa-makeup sa kanya?


Well, diretsong pag-amin ni Roi, mapa-regular customer o celebrity, 500 US dollars lang naman daw ang singil niya, na kung iko-compute natin in peso, P25 K na tumataginting lang naman!


Ohhh, for sure, barya lang 'yun kay Mrs. Pacquiao, 'no!


Anyway, proud si Roi na bukod kay Jinkee, na-make-up-an na rin niya sina Cherie Gil, Maria Isabel Lopez, Donita Rose, Rufa Mae Quinto, Ms. Universe-Phils. Rabiya Mateo, Beth Tamayo at Angel Jones na nanay ni Tony Labrusca.


Dream naman daw niyang ma-make-up-an si Heart Evangelista dahil classic beauty ito at natsa-challenge siya sa ganda ni Heart kung paano niya mata-transform para lalong gumanda.


Nakaka-proud naman bilang Pinoy si Roi Santos dahil gumagawa ito ngayon ng pangalan sa US.


Licensed cosmetologist siya sa California City, USA at nag-work for three years sa Barberia Salon in Foster City and was responsible for creating the MYA (Make Yourself Amazing) brand for the salon and magazine.


Ngayon ay Service Coordinator siya sa Sephora in Burlingame at proud nga siyang name-make-up-an ang mga Pinoy celebrities abroad.



KUNG buhay siguro ang Bikolanong aktor na si Manoy Eddie Garcia, dalawa sila ni Mr. Jaime Fabregas na nag-eendorso ngayon kay VP Leni Robredo sa pagka-pangulo.


Bukas kasi ngayon ang magaling na beteranong aktor sa pagsuporta kay VP Leni at nananawagan siya sa mga kababayan sa Bikol na suportahan ang kanilang manok para for the first time ay magkaroon daw ng Bikolanong pangulo, lalo't naniniwala siya sa kakayahan at integridad ni Robredo.


"Iparamdam natin sa buong Pilipinas ang galing, lakas at pusong Bicolano. Ipakilala natin sa kapwa Pilipino ang tapat na pinuno. At ipakita natin sa buong mundo ang kakayanan at katatagan ng ating lahi,” sabi pa ni Fabregas na ngayon lang yata namin narinig na nag-endorso ng pulitiko.


“Ang pakiusap ni Lolo General sa inyong lahat, na mangumbinse pa tayo ng hindi bababa sa lima pang botante na makiisa sa ating layunin,” dagdag pa ng beteranong aktor.


Well, tingnan nga natin kung magkakaroon ng solid votes ang mga Bikolano para kay VP Leni at kung malakas nga ba ang convincing powers ni Mr. Jaime Fabregas na napapanood sa Ang Probinsyano.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page