top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sa panahon ni PNoy, Sec. Balisacan ‘di nangpi-fake news, ngayong Marcos admin, nakiki-fake news na!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 11, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 11, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


WALANG PATUTUNGUHAN ANG REKLAMO KINA GOV. DANIEL FERNANDO AT VG ALEX CASTRO, BUKOD SA WALANG DOKUMENTO, ANG NAGREKLAMONG ‘FRANCISCO BALAGTAS’ NOON PANG YEAR 1862 NAMATAY -- Masyadong halatain na paninira sa pagkatao nina Bulacan Gov. Daniel Fernando at Vice Gov. Alex Castro ang graft case na isinampa laban sa kanila sa Office of the Ombudsman kaugnay sa P500 M Bulacan Flood Control and River Restoration Program.


Mantakin n’yo, ang nagsampa ng reklamo laban kina Gov. Daniel at VG Alex ay ginamit ang pangalan ng makatang Bulakenyo na si “Francisco Balagtas” na noong Feb. 20, 1862 pa yumao. 


Sa totoo lang, wala namang patutunguhan ang reklamong ito kasi never itong uusad dahil nga hindi naman totoong pangalan ang nagreklamo, ika nga, nonexistent person itong gumamit sa pangalang “Francisco Balagtas,” at pangalawa, wala namang dokumento na nagpapatunay na may ginawang katiwalian dito sina Gov. Daniel at VG Alex, na malinaw na paninira dahil nga nalalapit na naman ng halalan, period!


XXX


MGA JOURNALIST NA NAGSULAT NG PANINIRANG PRESS RELEASE KINA GOV. DANIEL AT VG ALEX, LAGOT! -- Para sa kaalaman ng publiko, ganito ang diskarte ng mga ayaw magpakilalang nasa likod ng paninira sa pulitiko, may uutusan itong magdala ng sulat-reklamo sa Ombudsman, at natural sa Ombudsman na tatanggapin ang reklamo at kapag natatakan na ng received, ipapa-press release na ito, at hindi naman natin sa nilalahat, pero kapag 41press release, eh alam na!


Sa totoo lang, ang lagot sa isyung ito ay ang ilang journalist na pumatol sa press release, kasi kapag sila ay kinasuhan nina Gov. Daniel at VG Alex, at pagdating sa korte ay wala silang maipakitang supporting documents ay yari sila.


Gayunman, puwede namang mapatawad nina Gov. Daniel at VG Alex ang mga journalist na naglathala ng mga paninira sa kanila, kung itutuga nila ang tunay na pagkatao ng “Francisco Balagtas” na nagpa-press release sa kanila ng isyung paninira sa gobernador at bise gobernador ng Bulacan, boom!


XXX


DATI SI NEDA SEC. BALISACAN ‘DI NANGPI-FAKE NEWS, NGAYON NAMPI-FAKE NEWS NA! -- Ikinatuwa ni National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan ang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago raw ng 5.7% ang ekonomiya ng bansa, at paniwala niya ay bago matapos ang year 2024, papalo pa ito sa 6% to 7%.


Itong si Balisacan, noong siya ang NEDA head sa panahon ni former Pres. Noynoy Aquino hindi ito nampi-fake news, pero ngayong panahon ng Marcos admin, join na rin siya sa pangpi-fake news, kasi imposible ang sinasabi nilang lumago ang ekonomiya dahil nga pahirap nang pahirap ang pamumuhay ng mga Pinoy, period!


XXX


‘PAGSINGHOT’ NI PBBM NG COCAINE, PINANININDIGAN NI SEN. DELA ROSA? -- Pinanindigan ni Sen. Ronald Dela Rosa na authentic ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) document na may lagda ni former PDEA agent Jonathan Morales na target ng drug-bust operation ang noo’y Sen. Bongbong Marcos noong year 2012 dahil sa pagsinghot umano ng cocaine sa condo ni actress Maricel Soriano sa Makati City.


Kumbaga, parang sinabi na rin ni Sen. Dela Rosa na totoong ‘sumisinghot’ noon ng cocaine si PBBM, kasi nga ang nakalagay sa PDEA document, sumisinghot daw ito (Pangulo) ng cocaine, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page