Sa pagsasara ng ABS-CBN… BOY, TANGGAP NA MALALAOS NA SILANG LAHAT NA KAPAMILYA STARS

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 8, 2020

Nang tuluyang mag-shut down ang ABS-CBN dahil hindi pinayagan ng Kongreso na mabigyan ng franchise renewal ang higanteng network, feeling daw ng King of Talk na si Boy Abunda ay irrelevant at powerless siya.
Malaki raw talaga ang naging epekto sa kanyang buhay at maging sa pagho-host nang mawala ang higanteng network.
Sa interbyu ng Monster Radio RX 93.1, ibinahagi ni Kuya Boy na unti-unti na niyang natatanggap at niyayakap na iyon na raw ang end ng kanyang career.
“I felt weak in the beginning. I felt I was on my way to obsolescence. Sabi ko, ‘Ito na ang panahon, malalaos na talaga kaming lahat, ako.’ I confronted that. I embraced that.”
Pero hindi naman daw kawalan ‘yun para sa kanya dahil nag-umpisa rin naman siya sa wala. Nagsumikap si Kuya Boy kaya narating niya ang tagumpay.
Isa ngayon ang King of Talk Show na respetadong host at minamahal ng marami.
Naniniwala si Kuya Boy na maibabalik din ang entertainment industry at makaka-survive sa krisis ang ABS-CBN.





Comments