Search
  • BULGAR

Sa paglipat sa ABS-CBN… JANINE, INI-LEVEL KINA KATHRYN, LIZA AT NADINE

Julie Bonifacio - @Winner | January 17, 2021




Positive ang karamihan sa mga nabasa naming comments and tweets sa social media pagkatapos pumirma officially ng kontrata ang award-winning actress na si Janine Gutierrez sa ABS-CBN.


Marami ring nag-congratulate kay Janine sa social media which prompted her na mag-post ng pasasalamat sa mga Twitter users.


One tweet that caught our attention ay 'yung nagwi-wish na magkaroon ng project si Janine with Kathryn Bernardo.


Eto ang sabi ng netizen, "Now we need Kathryn Bernardo and Janine Gutierrez proj (project) … if ever."


Why not? Ano ang roles nila, mag-ate? Love triangle with Daniel Padilla?


Unang-unang matutuwa d'yan tiyak ay ang mga ina ng dalawa na sina Lotlot de Leon at Karla Estrada.


May sumunod na tweet din ang naturang netizen tungkol sa paglipat ni Janine sa ABS-CBN.


"Now we need Maine Mendoza to transfer to complete the Holy 5 — Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Nadine Lustre and Janine Gutierrez."


Taray ng 'Holy 5' niya, 'di ba?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.