top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sa pagli-live-in nila ni Jake… KYLIE: NAGPAPAKASAYA LANG KAMI, IRESPETO N'YO KAMI!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 21, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 21, 2020




Sa virtual mediacon ng TV series na Ghost Adventures Season 2 ay natanong si Kylie Versoza na kung sakaling single siya at kung sina Empoy Marquez, Andrew Muhlach at Benjie Paras na lang ang natitirang lalaki sa mundo, sino sa tatlo ang pipiliin niya?


“Oh, my God, ‘yung mga questions n’yo, ha? Game show ba ito?” bungad ni Kylie na halatang nagulat sa tanong.


Sa pagpapatuloy niya, “Feeling ko, kung kaka-break ko lang, single muna ako. Ang hirap naman ng tanong!”


Sundot na tanong, "Sino kina Benjie, Andrew at Empoy ang personalidad na gusto ng dating beauty queen?"


“Grabe, personality tapos hitsura? Pinakamalakas si Kuya Benj, so si Kuya Benj. Kasi matangkad si Kuya Benj kaya bagay kami,” napangiting sagot ng dalaga.


Natawa naman si Kylie nang husto nang banggitin na hindi niya type si Empoy kasi maliit.


“Nakaka-hot seat naman itong tanong!” saad ni Kylie, “pero swak ang personality namin ni Empoy, nakakatawa siya.”


Samantala, tinanong namin si Kylie kung magka-live-in na ba sila ni Jake Cuenca since magkasama sila ng boyfriend sa iisang bahay noong lockdown, base na rin sa mga posts nilang dalawa sa kanilang social media account.


“Grabe ang mga tanong! For a period, we decided to stay together,” nagseryosong sagot ng dalaga.


At dahil ilang buwan ding tumagal ang lockdown, tinanong namin kung ano'ng mga na-discover niyang ugali ni Jake.


“Magaling siyang mag-alaga ng aso, kasi may aso kami together, one bulldog,” sagot ng dalaga na hindi na natuloy kung ano pa 'yung isang alaga dahil nagbiro na sina Benjie at Empoy na sana, isinama rin ang sa kanila dahil may mga alaga silang ibon.


Muli naming ibinalik ang tanong kung ilang buwan silang magkasama noon ni Jake, “Grabe naman kayo! Feeling ko, mako-quote n’yo na naman ako, joke! Feeling ko, 2 to 3 months kasi quarantine ‘yun, eh, ECQ, tapos nalaman naming mas nag-extend pa ‘yung quarantine,” paliwanag ng girlfriend ng aktor.


At ngayon daw ay kani-kanya na silang bahay dahil may sarili siyang condo na malapit din kay Jake at inaming same building sila.


Natanong din ulit ang girlfriend ni Jake na sa dami ng achievement niya bilang beauty queen dahil influential siya sa mga fans, dahil vocal na rin siyang magsabi na magkasama sila ni Jake sa bahay, ano ang gustong ibahagi ng dalaga sa lahat sa pagiging liberated niya?


“I think, I’ve been independent since college pa ako and I think Jake and I are at the right age and both of us have worked very hard to what we are today, so I think, I guess ma-respect ng tao our decisions kasi we are two very independent people who just trying to be the best version of ourselves, we’re not trying to hurt anyone, we’re just having fun with our lives and I think, hindi na kami teenybopper, hindi na kami younger 20’s. I hope people respect our decisions with whatever decisions with our lives," magandang paliwanag ni Kylie.


Anyway, gagampanan ni Kylie ang karakter na Luna sa Ghost Adventures Season 2 na concept ni Benjie at pinuri ng aktor ang dalaga dahil mahusay. Mapapanood na ang comedy horror simula sa Oktubre 31, Sabado 6PM sa TV5 handog ng Viva Entertainment at Sari-Sari na idinirek naman ni GB Sampedro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page