top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa pagiging taklesa ni Sen. Imee, pati kapatid na si P-BBM, sapol!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 1, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 1, 2023




WALANG SINASANTO ANG PAGKA-TAKLESA NI SEN. IMEE DAHIL PATI UTOL NA PRESIDENT, SAPOL—Sa programang ‘Ted Failon at DJ Chacha sa Radyo 5’, natanong si Sen. Imee Marcos tungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihing pagkain. Ito ang litanya ng senadora tungkol sa kanyang kapatid na presidente at secretary ng Department of Agriculture (DA) na si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM), “Ang problema, sa palagay ko, ang kapatid ko, mabait at hindi nagagalit. Lahat ng media, inilabas na ang pangalan, lahat nabunyag na, pero wala pang nahuhuli.”

Ibang klase talaga pagiging taklesa ni Sen. Imee, walang sinasanto dahil pati ang kapatid na presidente, sapol. Boom!


***

MAY PUNTO SI SEN. IMEE NA ‘PATAMAAN’ SI P-BBM DAHIL ANG DAMING AGRI-SMUGGLERS, PERO KAHIT ISA AY WALA PANG NAHUHULI—May punto naman si Sen. Imee na ‘patamaan’ sa isyung agri-smuggling at taas-presyo ng mga bilihing pagkain ang kanyang utol na presidente at DA sec.

Nabulgar na nga naman ang pangalan ng mga agri-smugglers sa bansa na sina ‘Leah Cruz,’ ‘Michael Yang,’ ‘David Bangayan,’ ‘Paul Teves,’ ‘Manuel Tan,’ ‘Andrew Chang,’ ‘Jun Diamante,’ ‘Lujene Ang,’ ‘Beverly Peres,’ ‘Lucio Lim’ alyas ‘Aaron’ at ‘Michael Ma’ na may koneksyon kay Martin Araneta na utol ni First Lady Liza Araneta-Marcos. At sa dami ng mga agri-smugglers na ito, hanggang ngayon, kahit isa ay wala pang nahuhuli at nakukulong, period!


***

MATAAS NA NGA ANG PRESYO NG BILIHIN AT BAYARIN, LIBO-LIBONG TSUPER NG JEEP AT UV EXPRESS PA ANG MAWAWALAN NG HANAPBUHAY—Hindi lang pala mga traditional jeepney ang pagbabawalan ng Marcos administration na bumiyahe sa kalsada pagsapit ng Hulyo 1, 2023, kundi pati mga UV express sa dahil ang prangkisa ng mga ito ay ibinigay ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) sa mga modern public transport ng mga kooperatiba na pag-aari ng mga kapitalista sa bansa.

‘Yan ang nakakalungkot na nangyayari sa ‘Pinas, ubod ng taas na ng presyo ng mga bilihin at bayarin, napakaraming tsuper pa ng traditional jeepney at UV express ang mawawalan ng hanapbuhay. Saklap!


***

UBOD NG TAAS NA RATING NG SWS KAY VP, DEPED SARA, JOKE BA?!– Sa survey na isinagawa ng SWS, ubod ng taas ang rating (77%) na nakuha ni Vice President, Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio.

Aba, teka, joke ba ang survey na ‘yan? Wala pa naman kasing naipapakitang nagawa si VP, DepEd Sec. Sara na nagmarka sa isipan ng mamamayan sa loob ng pitong buwan niyang panunungkulan, tapos ang taas-taas ng rating na kaloob sa kanya ng SWS. Ha-ha-ha!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page