Search
  • BULGAR

Sa paggamit ng gasolina bilang disinfectant…"Totoo 'yang sinabi ko” — P-Duterte

Updated: 6 days ago

Sa nakaraang public address ni P-Duterte, aniya, maaaring i-disinfect ang reusable facemasks gamit ang diesel o gasoline gayundin ang kamay.ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 1, 2020



Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya nagbibiro sa naging pahayag niya na

gumamit ng gasoline bilang alternatibong disinfectant.


Saad ni P-Duterte, "Totoo 'yang sinabi ko alcohol. 'Pag wala kang alcohol ‘di naman puwede na lalong mahirap, pumunta ka lang diyan sa gasoline station tapos patulo na

"That's disinfectant — alcohol, gaas — patulo ka lang, just to disinfect... Para sa inyo na ‘di nakakaintindi. ‘Di ako nagbibiro, totohanan 'yun. Baka akala ninyo nagbibiro lang ako.”


Sa nakaraang public address ni P-Duterte, aniya, maaaring i-disinfect ang reusable facemasks gamit ang diesel o gasoline gayundin ang kamay.


Matatandaang sinabi nina Presidential Spokesperson Harry Roque at Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nagbibiro lamang diumano si P-Duterte sa kanyang naging pahayag tungkol sa gasolina.


Ngunit saad naman ng Integrated Chemists of the Philippines (ICP) sa Facebook post,


“Pinapaalalahanan ng ICP ang lahat na HINDI ginagamit ang gasolina upang gawing panlinis o disinfectant ng mga bagay-bagay. Makasasama ito sa tao lalo na kapag nalanghap ang singaw nito.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.