top of page
Search
  • BULGAR

Sa P1.4B Travel Fund ni P-BBM, panalo ang mga asungot, talo ang taumbayan

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 7, 2023


TALO ANG MAMAMAYAN SA FOREIGN TRIPS NI P-BBM KASI WALA SIYANG NAHIHIMOK NA FOREIGN INVESTORS NA MAGNEGOSYO SA ‘PINAS -- Lugi ang mamamayang Pilipino sa higit P893 million travel fund ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ngayong 2023, kasi sa dami ng bansang kanyang pinuntahan, hanggang ngayon kahit isa, ay wala pang naglalakas-loob na foreign investors na magnegosyo sa Pilipinas.


Kaya ‘yung P1.4 billion travel fund na hinihingi ni P-BBM next year ay dapat ibasura ito ng mga senador at kongresista kasi sa totoo lang, talo ang sambayanan sa pag-a-around the world ng Presidente at kanyang mga katropang asungot na sama nang sama sa kanyang mga biyahe palabas ng bansa, boom!


◘◘◘


SA PANAHON LANG NI CARDEMA SA NYC NADADALAS ANG PAGKUWESTYON NG COA SA GINAGASTA NITONG PONDO NA DAPAT SANA PANG-KABATAAN --Noong June 2022 ay kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang paggasta ng National Youth Commission (NYC) sa higit P3 million pondo nito, at nitong nakalipas na August 2, 2023 ay muling kinuwestyon ng COA ang nakakalulang higit P36.8-M na travel at training expenses ng NYC.


Sa totoo lang, ‘yung mga dating kabataan na namuno sa NYC ay wala tayong nabalitaan na kinuwestyon ng COA ang pondo nito, tanging sa panahon lang ni NYC Chairman Ronald Cardema nadadalas ang pagkuwestyon sa maling paggasta umano at pagkuwestyon sa nakakalulang gastos ng NYC.


Dahil d'yan, nanawagan si Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel sa mga Sanggunian Kabataan (SK) chairman at mga kagawad na huwag tularan si Cardema na ginagawang training ground ng mga traditional politician (trapo) ang NYC, period!



◘◘◘


SA EDAD NA 38, HINDI NA YOUTH SI CARDEMA KAYA’T DAPAT TANGGALIN NA SIYA NI P-BBM SA NYC -- Ayon sa Republic Act 8044 o “Youth in Nation-Building Act,” ang mga itinuturing na kabataang Pinoy sa Pilipinas ay nasa pagitan ng 15 hanggang 30-anyos, at sa ngayon ang edad ni NYC Chairman Cardema ay 38-anyos, na ang ibig sabihin ay hindi na siya parte ng kabataan.


Kaya’t dapat tanggalin na ni P-BBM si Cardema, at palitan ito ng isang kabataang lider na ang edad ay hindi lalampas sa 30-anyos.


Hindi kasi katanggap-tanggap na ang namumuno sa National Youth Commission (NYC), hindi na youth at matanda na, boom!


◘◘◘


ANO BA ANG PLANO NG MGA GOV’T. OFFICIAL SA PERA NG BAYAN AT MALA-PIYESTA SILANG NAGSISIPAGHINGIAN NG CONFIDENTIAL AT PORK BARREL FUNDS? -- Sa laki ng national budget, higit P5.7 trillion para sa year 2024, ay mala-piyestang naghihingian sina P-BBM, Vice Pres. at Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio, mga miyembro ng Gabinete ng confidential funds para sa kanilang mga tanggapan, at mala-piyesta rin na naghihingian ng kanilang pork barrel funds ang mga senador at kongresista.


Kaya’t ang tanong: Ano ba talagang planong gawin ng mga opisyal ng pamahalaan sa pera ng bayan at mala-piyesta silang naghihingian ng confidential at pork barrel funds?


Period!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page