top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa mga naniniwala at nagkakalat ng nude photos daw niya… "ANG LALA N'YO! ANG TANGA LANG!" — BARBIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 3, 2021
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 3, 2021





Galit na galit si Barbie Imperial sa mga walang magawa na in-edit ang larawan niya at inalisan siya ng saplot na matatandaang ginawa rin kina Sue Ramirez at Maris Racal last week.


Sa Instagram account ni Barbie, ipinost niya ang larawan niyang in-edit at nilagyan lang ng takip na pentel pen mark ang kanyang private parts. In-upload din niya ang original photo kung saan ay makikitang naka-two-piece bikini siya.


Sa caption, kinondena ni Barbie ang gumawa ng kanyang nude photo at mga nag-share nito sa internet.


“Reposting this photo because people are messaging me about this photo (2nd photo). Grabe, sobrang stupid naman. You really think I’ll post a photo like this?


“Sa lahat ng nagse-share nito, ANG LALA N'YO. And sa lahat ng nagba-bash and madaming sinasabi sa 'kin dahil sa picture na 'to, ANG TANGA LANG,” ang pahayag ni Barbie na halatang imbiyernang-imbiyerna.


“Wala na ba kayong magawa kundi mag-edit ng photos ng mga babae at gawing nude photo? Paisa lang po, dahil nakakagigil talaga 'yung gumawa nito. Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid n'yong utak?! Itigil n'yo na, wala kayong ambag,” dagdag pa ng aktres.


Sa comment section ay sinuportahan si Barbie ng kanyang mga kapwa-artista, kabilang na ang nabiktima ring si Sue.


“Yakap, Bie,” komento ni Sue with loudly crying face emojis.


Nakakagigil naman talaga ang mga bastos na gumagawa nito sa mga female celebrities natin. Nawa’y ma-trace kung sino talaga ang responsibilidad sa ganitong illegal na gawain at maparusahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page