Sa matagal nang tsismis na may anak sila… CHAVIT KAY YEN: IKAW LANG MAKAKASAGOT N’YAN
- BULGAR

- Aug 29, 2025
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 29, 2025

Photo: Chavit SIngson sa vlog ni Yen Santos - YT
Matapos ang paglilinaw ni Yen Santos sa kanyang vlog tungkol sa isyung may anak sila ni Chavit Singson, this time ay ang pulitiko-business tycoon naman ang nagsalita tungkol dito.
Sa latest vlog ni Yen sa YouTube (YT) ay nag-guest si Manong Chavit at sinagot ang ilang katanungan kabilang na ang matagal nang tsismis na may anak sila ng aktres.
“Ano ang comment mo sa mga rumors tungkol sa atin?” tanong ni Yen sa dating gobernador ng Ilocos Sur.
“Palagay ko, ikaw lang makakasagot n’yan,” pabirong sagot ni Manong Chavit.
Sa naunang vlog ni Yen ay nilinaw na niyang family friend nila si Chavit kaya marahil nagkaroon ng tsismis tungkol sa kanila.
Sinabi rin ng aktres na ang sinasabing anak nila ng pulitiko ay bunsong kapatid niya at si Manong Chavit pa nga ang ninong.
Sa bagong vlog ay inulit muli ni Yen ang koneksiyon nila ni Chavit.
“Parang more than a decade na kasi he’s a good family friend. Super tropa ‘to ng aking parents kaya lagi tayo nai-issue. Meron pa nga raw tayong anak, ‘di ba? Malaki na raw ‘yung anak natin, si Yan-Yan,” saad ni Yen.
“Guys, hindi po namin ‘yun anak. Kapatid ko ‘yun at ninong s’ya nu’n,” dagdag pa ng aktres.
Kahit hirap na hirap…
XIAN, KINAKARIR ANG PAGIGING PILOTO
NAGBALIK-TANAW si Xian Lim sa naging journey niya bilang piloto at obvious na masayang-masaya ang aktor sa kanyang bagong career na noon pa ay pinangarap niya.
Nag-post si Xian ng mga larawan mula sa kanyang flight training hanggang sa maging piloto siya at ibinahagi ang mga challenges na pinagdaanan.
“Favorite moments throughout flight training (airplane emoji). Ground school was tough. I didn’t know what to expect, and as the first pilot in my family, it was daunting stepping into the unknown. The deeper the lessons went, the more I asked myself why I chose this path or maybe… why did it choose me?” simula ni Xian.
Matapos ang ground school ay nag-training naman siya para sa kanyang Private Pilot License (PPL) na aniya ay hindi rin naging madali.
“Training for my Private Pilot License pushed me to my limits. At times, it felt impossible. But I learned to take it one day… one step at a time.
“I had to push myself. Commit. Take that leap of faith. The plan was simple. Get my PPL. But after my first checkride, I knew deep down I wanted more. I wanted to keep learning, keep growing, keep flying,” pagbabahagi niya.
Matapos makuha ang kanyang PPL ay hinangad naman niyang magkaroon ng Commercial Pilot License (CPL) at dito ay panibagong challenge ang kanyang hinarap.
“Earning my Commercial Pilot License was a whole new challenge. Endless hours of studying, cross-country flights, landings in unfamiliar aerodromes. It was tough, but it felt right,” aniya.
Ang pinakamahirap daw na parte ay ang Instrument Rating kung saan ay magpapalipad ka ng eroplano sa low-visibility conditions gamit ang aircraft instruments.
“Then came Instrument Rating—the hardest part yet. Long, quiet hours. Alone with your thoughts. No celebratory water splashes. It's just you, the instruments, and endless charts. It’s difficult, but every step reminded me why I started this journey,” sey niya.
Malayo pa raw ang landas na kanyang tatahakin pero sigurado si Xian na itutuluy-tuloy niya ito.
“The road ahead is far from over and I’m here to stay. Staying inspired, staying hungry for knowledge, and chasing the dream,” saad niya.
“I hope you can chase yours too,” pagtatapos pa ng aktor.
Ang malaking tanong, may balak pa bang mag-artista si Xian Lim o magpo-focus na lang siya talaga sa pagiging piloto?








Comments