top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Sa loob ng Senado... Robin at Jonvic, nagkapisikalan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 5
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | June 5, 2026



Jovic vs Robin - Circulated One

Photo: Circulated / One



Nagkatulakan sina Senador Robin Padilla at Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa loob ng Senado nitong Huwebes nang dumating ang 18 nagpakilalang mga dating sundalo na naghatid umano ng mga maleta na may lamang pera sa ilang opisyal ng gobyerno.


Nangyari ang insidente sa nakatakdang pagdinig ng Blue Ribbon Committee na pinamunuan ni Sen. Pia Cayetano, kaugnay ng flood control scandal.


Batay sa video, makikitang nagkaroon ng komprontasyon at paghaharap sina Padilla at Remulla.


Kasama ni Padilla ang grupo ng mga umano’y mga dating sundalo at si Cayetano.

Sa huli, nakalusot din ang grupo nina Padilla patungo sa session hall na pinagdausan ng pagdinig.


Samantala, mariing namang iginiit ni Remulla na puwersahan siyang itinulak ni Padilla papasok sa plenaryo sa kalagitnaan ng pagharang sa ex-Marines.


Ani Remulla, nangyari ang insidente habang siya'y palabas na ng gusali habang papasok naman sa plenaryo sina Padilla at Cayetano kasama ang ilang Marines.


Ayon sa kalihim, nasa Senado siya sa kahilingan ni Senate President Pro Tempore at Acting Senate President Sherwin Gatchalian upang tiyakin ang kaayusan at seguridad sa loob ng mga pasilidad ng Senado.


Nang tanungin kung layunin niyang harangin si Padilla at ang mga kasama nito, mariing itinanggi ni Remulla ang paratang.


“Paano ko naman magagawa iyon? Mag-isa lang ako,” aniya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page