Sa loob ng klasrum... Babaeng Grade 9, binugbog ng 6 na lalaking kaklase

by BRT @News | November 21, 2026

Photo: Grade 9 student binugbog ng mga kaklase - Circulated
Pinagtulungang bugbugin ng anim na lalaking kaklase ang isang Grade 9 na babaeng estudyante sa loob ng silid-aralan sa Malinao, Aklan noong Martes, Nobyembre 17.
Ayon sa biktima, nagsimula ang insidente nang tawagin siyang “buwaya,” “bobo,” at “malandi” bago siya batuhin ng tsinelas. Nang ihagis niya ang tsinelas palabas ng silid, bigla umano siyang dinumog at binugbog ng mga kaklase.
Nagtamo ang dalagita ng mga pasa, pananakit ng ulo at likod, pagkahilo at panlalabo ng paningin.
Ibinunyag din niyang nakaranas na siya ng bullying noong Grade 8, kung saan hinampas umano siya ng upuan sa ulo.
Humihingi ng hustisya ang ina ng biktima, habang iniimbestigahan na ng DepEd Aklan at Malinao PNP ang insidente.





Comments