top of page
Search
BULGAR

Sa korte na lang daw dalhin ang kaso ni Sandro… SIGAW NG NETIZENS: SEN. JINGGOY, 'WA WENTA MAGTANONG, PARANG MARITES LANG

ni Beth Gelena @Bulgary| August 15, 2024



Showbiz News
Photo: Senate of the Philippines

Sinagot ni Ogie Diaz ang tanong ni Sen. Jinggoy Estrada kay Niño Muhlach na, “Paano nalaman ni Ogie Diaz ang nangyari kay Sandro Muhlach?” 


Sagot ng talent manager-writer-vlogger sa kanyang X (dating Twitter) account, “Bakit daw nauna pa ako sa pamilya. Tapos, ‘pag nahuli naman kami sa balita, late na ako? Saan ko ilalagay ang sarili ko? Hahahaha!” 


Reaksiyon naman ng mga netizens: 


“Wala namang masama sa tanong since they’re doing a Senate query.”


“Waste of time and fund ang Senate hearing. May case na and should be handled by proper branch ng government. ‘Wag nang umepal ang mga senador, feeling matatalino. Itinigil ko i-watch kasi bakit ganu’n ang mga tanungan, nakakab*bo, may maitanong lang.”


“Please lang, sa election, mamili nang tama.”


“Ilang araw na kasing blind item ‘yan, kaya natural na alam na ng mga reporters.”


“Ang pilosopo naman ng sagot niya, Senate inquiry ‘yan. Malamang gusto nilang malaman kung paano mo nakuha ang sensitive info na ‘yan.”


“Medyo senseless kasi ang tanong. Supposedly, Senate inquiries are done in aid of legislation. ‘Yung tanong ni Jinggoy, parang nagma-Marites lang.”


“Tawagin sa hearing si infamous Mr. or Ms. Reliable Source.”


“Tama lang na tanungin. The fact that someone knew ahead of time means na this really is a norm at pinag-uusapan lang like nothing serious happened. For all we know, kaya pinag-uusapan ay para i-share kung sino ang puwedeng gamitin sa mga artista, 'noh. That is almost like being involved in prostitution activities kaya.”


“Well, kasi chismoso s’ya kaya alam n’ya agad.”


“Senate is not the proper forum for Sandro vs. Nones and Cruz, mabababoy lang si Sandro sa grandstanding sa Senate. We need to protect Sandro’s mental health, walang alam sa pagiging discreet ang mga tao sa Senate, mga pasiklab ang mga tanong nila.”

Pansin naman ng isang commenter, “Naku, ha! Puro artista ‘yung mga senador na in charge sa ganyan. Puro nabilanggo, so ano'ng credibility na? Merong korte, so du’n n’yo na pagalawin ang kaso. May kasalanan or wala, hayaan n’yo ang mga abogado nilang lumaban.”


Pagtatanggol naman ng isa kay Ogie, “Actually, it’s not even Ogie Diaz who first spilled the beans. It started with a blind item from another showbiz site, tapos nag-trend sa X (Twitter) then saka pa sa showbiz channel ni Ogie.”


“Mama Ogs, wait mo na lang din na ipatawag ka sa Senate. Hahaha!”

“Who cares who got the news first, that Senate panel is a joke. Bong Revilla, Jinggoy Estrada and Robin Padilla? Ano ‘yan? May movie ba sila? Parang nagpo-promote ng movie except they are called senators.”


“They have to do this kind of questioning so if a policy is drafted, covered lahat.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page