Sa hiwalayan kay Kathryn… KARLA: PARANG IKAMAMATAY KO ANG MGA BANAT KAY DANIEL
- BULGAR

- Feb 2
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Feb. 2, 2025

Photo File: Karla Estrada - Fast Talk With Boy Abunda
Sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ay tipong may lungkot sa mga mata at sa boses nitong si Karla Estrada habang iniinterbyu ni Kuya Boy lalo na tungkol sa breakup ng KathNiel tandem ‘coz siyempre, dyunak niyang panganay si Daniel, ‘noh?
Mula nang ipanganak si Daniel Padilla noong 1995 ay talagang nabago na raw ang buhay ng aktres. Maraming natutunan si Karla upang itaguyod ang panganay na anak.
“Kay Daniel pa lang natuto na akong mag-double time buhayin o suportahan ‘yung buong pamilya. From Leyte to Manila, lahat ng kamag-anak na lalapit, naging mas mabuti akong tao. But don’t get me wrong, matapang akong tao sa pagharap sa buhay.
“And pagdating sa mga anak ko, sobrang tapang ko d’yan. Parang kung binuhay ko ‘yan ng ako lamang, ako lang ang puwedeng manakit sa mga anak ko. It’s always like that,” pagbabahagi ng mommy dearest ni Daniel.
Maraming pagsubok na ang nalampasan ni Karla sa personal niyang buhay. Para sa aktres ay ang paghihiwalay nina Daniel at Kathryn Bernardo ang pinakamalaking kontrobersiya na kanyang hinarap.
“Itong mga masasakit na salita na ibinato nila kay Daniel nitong mga nakaraang taon. ‘Yung paghihiwalay kasi, sa kanila naman ni Kathryn ‘yun, eh. Sila naman ang nakakaalam talaga, sila ang magreresolba kung ano man ‘yung dahilan ng hiwalayan.
“Pero ‘yung salita ng tao na halos ‘di mo na makain at sobrang kabastusan, medyo ‘yun ang hindi ko kinakaya. Hindi ko kinakaya na parang ikamamatay ko, ah, hindi ko na halos kayanin na kailangan ko nang hanapin ‘yung mga taong ganu’ng magsalita at isa-isahing sagutin.
“Ang pinakamaganda nating ginawa ay ipaubaya ru’n sa dalawa,” pagtatapat ng aktres kay Kuya Boy Abunda.
Eh, kung masakit sa ina, mas lalo sigurong mas masakit ang naramdaman ni Daniel Padilla sa hiwalayan blues nila ni Kathryn Bernardo…
‘Yun lang and I thank you.
Sobra na ang publicities lalo na sa socmed (social media) ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma ni Darryl Yap kaya for sure ay malaki ang kikitain nito sa mga sinehan out of curiosity.
Maraming tsutsu at meron pang demandahan.
Tutol na tutol si Vic Sotto sa title at malamang daw (Oh, may daw, ha?), kampihan siya ng MTRCB ‘coz ang chairman nito ay ang kanyang pamangkin na si Lala Sotto na dyunak ni Sen. Tito Sotto.
Yo, what do you think, mga Marites at tribu ni Mosang? Think and THINK BIG, ha!
Well, kung kami si Direk Darryl Yap ay papalitan na lang namin ang title ng Pepsi Paloma movie ng… PEPSI VS. ADIK SA COKE.
Boom, ‘yun na! (smiley emoji).








Comments