top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sa fertilizer fund, magsasaka ang makikinabang; sa farm to market road, 'buwaya' ang papaldo

BULGAR
Sep 8, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 8, 2022


MATAAS NA PRESYO NG MGA BILIHIN, BAYARIN AT PAMASAHE, LALO PANG TATAAS SA PAGBAGSAK NG PESO SA DOLYAR—Sa latest survey ng SWS ay nasa 48% ng mga Pinoy ang mahirap at sa pagbagsak ng halaga ng peso sa dolyar, ang matinding tatamaan dito ay ang mahihirap nating kababayan.


Sa ngayon kasi ay sobrang taas na ang presyo ng mga bilihin, bayarin sa kuryente at tubig, pati ang pamasahe, at ayon kay Philippines Statistics Authority Chief Statistical Specialist Soraya de Guzman, mas lalo pang tataas ang presyo ng mga bilihin, bayarin sa kuryente at tubig at pamasahe dahil sa pagbagsak ng peso sa dolyar, na sa ngayon ang exchange rate na ay P57 ang kada $1.


◘◘◘


SA FERTILIZER FUND WALANG KICKBACK, SA FARM TO MARKET ROAD, SIYEMPRE MAY KONTRATISTA KAYA MAY KICKBACK—Ang laki ng problema ngayon ng Pilipinas sa asukal kasi kapos na ang supply nito sa bansa, tapos sa budget hearing ay walang nakita ang mga kongresista ng pondong laan ang agriculture department para sa fertilizer ng mga magsasaka ng tubo sa 'Pinas at karamihan sa nakitang pinaglaanan ng budget ng DA ay ang farm to market road.


D'yan lang kita na may "balak" ang mga buwaya sa DA sa kaban ng bayan kasi kung sa fertilizer ng mga sugarcane farmers ay magsasaka lang ang makikinabang d'yan, pero sa farm to market road, alam n'yo naman kapag pagpapagawa ng kalsada ang pinag-usapan, kadalasan may kickback sa mga kontratista ang mga "buwaya" sa gobyerno.


◘◘◘


PANAWAGAN SA MGA CONG. AT SEN., DAGDAGAN N'YO ANG KAKARAMPOT NA MONTHLY SAHOD NG MGA CAFGU—Ang tinatanggap lang palang suweldo ng mga miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit ay P4,500 isang buwan.


Wala pa pala sa minimum, sa totoo lang, napakaliit nito kasi taya-buhay sila sa pagsisilbi sa bayan, tapos ganyan lang ang kanilang buwanang sahod?


Panawagan sa mga senador at kongresista na dagdagan ang sahod o kaya'y dagdagan ng allowance ang mga CAFGU kasi unfair sa kanila na ang mga pulis, sundalo at coast guard ay sangkaterba ang biyaya, tapos silang ay kakarampot lang ang monthly salary.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page