top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sa Feb. 14 na… KRIS, TAKOT MATULAD SA PADIR NA NAMATAY NU'NG 50-ANYOS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 7, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 7, 2021




May takot palang nararamdaman si Kris Aquino sa kanyang pagtungtong ng 50 yrs. old sa darating niyang kaarawan sa Feb. 14.


Ang kanya kasing ama na si Benigno Aquino ay 50 yrs. old lang nang mamatay sa tarmac ng MIA.


At noong nabubuhay pa ang kanyang mom na si Tita Cory Aquino ay madalas siyang paalalahanan noon na mag-ingat sa kanyang kalusugan dahil baka matulad siya sa kapalaran ng kanyang ama na yumao noong 50 yrs. old lang.


Sa dasal na lang idinadaan ni Kris ang lahat lalo na't may dalawa siyang anak na dapat alagaan at itaguyod. Ayaw niyang isipin na matutulad siya sa kanyang ama.


Samantala, may mga netizens naman ang nagtatanong kung nasaan na ang mga Kapamilya stars na naging close noon kay Kris tulad nina Kim Chiu, Pokwang at K Brosas?


Madalas na i-guest noon ni Kris sa kanyang TV show ang kanyang mga BFF. Pero nang nawalan na ng show si Tetay, mukhang bihira na silang magsama-sama.


Si Kim na lang yata ang nagpaparamdam at nangungumusta kay Kris ngayon.


Well, hiling ng mga fans ni Kris, sana naman, sa kaarawan niya sa Feb. 14 ay kumustahin-dalawin man lang siya ng mga BFF niyang sina Pokwang at K. Ngayon higit na kailangan ni Kris Aquino ang pagdamay-suporta ng mga tunay na kaibigan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page