top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sa dami ng pasugalan sa ‘Pinas, baka ideklara ng Guinness World Records na bansa ng mga sugarol

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 19, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | April 19, 2023


SA DAMI NG MGA PASUGALAN, BAKA ITALA NG GUINNESS WORLD RECORDS ANG ‘PINAS NA BANSA NG MGA SUGAROL—Hanggang ngayon, dedma lang ang mga Senador, Kongresista, National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa lumalaganap na online illegal gambling na ‘PhlWin’ at ‘PhiLucky’ na pino-promote ng mga vloggers sa social media.


Kung walang gagawing aksyon ang mga kinauukulan laban sa mga online illegal gambling tulad ng kawalang-aksyon nila sa mga pasugalang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), Small Town Lottery (STL)-con jueteng, ‘perya ng bayan-con jueteng,’ lotteng, bookies, tupada, color games, drop balls, sakla, EZ-2, aba’y baka dumating ang panahon na maitala sa Guinness World Records ang Pilipinas bilang bansa ng mga sugarol. Boom!


◘◘◘


NAGAWA NI P-BBM NA IPA-STOP ANG ONLINE SABONG, KAYA KUNG GUSTUHIN NIYA, KAYA NIYA RING IPA-STOP ANG LAHAT NG ILLEGAL GAMBLING—Kung walang plano ang mga lawmakers at law enforcement agencies na ipa-stop ang lahat ng uri ng illegal gambling sa bansa, dapat mismong si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na ang umaksyon laban sa naturang raket ng mga gambling lords.


Nagawa ni P-BBM na ipa-stop ang operasyon ng online sabong noon, kaya tiyak na sa isang kumpas ay magagawa rin niyang ipa-stop ang lahat ng uri ng illegal gambling sa bansa. Kaya sana, umaksyon na agad dito ang Pangulo para matigil na ang pambibiktima ng mga gambling lords sa mamamayan, period!


◘◘◘


CONG. TEVES, MASAHOL PA SA TERORISTA—May punto si Sec. Boying Remulla ng Department of Justice (DOJ) na ideklarang terorista si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.


Bukod kasi sa binibiktima ni Teves sa kanyang pasugalan na online sabong at STL-con jueteng ang kanyang mga kababayan sa Negros, lumalabas na rin ngayon ang mga balitang marami na itong pinapatay na tao, atkabilang sa biktima ng pamamaslang ay si Gov. Roel Degamo.


Sa mga isyung ‘yan na kinasasangkutan ni Teves, masasabi na mas masahol pa siya sa terorista. Boom!


◘◘◘


NEXT TIME, SIGURADUHIN NI SEN. DELA ROSA NA ‘DI SIYA PAPALPAK PARA ‘DI SIYA NAGLALABAN-BAWI SA KANYANG STATEMENT—Pinagtawanan sa social media si Sen. Ronald Dela Rosa sa kanyang statement na hindi raw siya papayag na padaluhin via Zoom lang si Cong. Teves sa Senate investigation tungkol sa pagpatay kay Gov. Degamo at iba pang sibilyan sa Negros.


Sa totoo lang, pagtatawanan talaga si Dela Rosa kasi siya ang unang nagpabida sa publiko na dadalo via Zoom si Cong. Teves sa Senate investigation. Pero dahil pinuna ito ng misis ni Gov. Degamo, binawi nito ang una niyang statement na hindi raw siya papayag na via Zoom lang dadalo ang Kongresista sa Senate probe.



Dapat sa susunod na magbibitaw ng salita sa media ang Senador, siguraduhin niyang hindi siya papalpak para hindi siya lumalabas na kahiya-hiya na naglalaban-bawi sa kanyang statement sa publiko, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page