top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sa dami ng kalamidad na nangyari, 'Pinas dapat mas handa na

BULGAR
Oct 18, 2022
1 min read

@Editorial | October 18, 2022


Marami pa rin ang namamatay sa mga kalamidad o sakuna tulad ng bagyo at lindol, tsunami, tagtuyot at heatwaves.


Kaugnay nito, ayon sa United Nations (UN), kalahati ng mundo ay hindi handa sa mga ganitong pangyayari.


Bigo umano ang mundo na mag-invest para protektahan ang buhay at kabuhayan laban sa mga kalamidad.


Ang masaklap, kung sinuman ang may pinakamaliit na nagawa upang labanan ang climate crisis ay siyang magbabayad nang may pinakamataas na presyo.


Kaya patuloy ang panawagan sa lahat ng mga bansa na mag-invest sa early warning systems.


Ito ay paraan upang mabawasan ang pinsala sa mga tao at ari-arian bago ang paparating na mga panganib.


Batid natin na may mga limitasyon at kakulangan ang Pilipinas pagdating sa ganitong usapin. Gayunman, umaasa tayong magagawan pa rin ng paraan na maging mas handa.

Kailangang patatagin ang mga ahensyang namamahala pagdating sa paglaban sa mga kalamidad.


Tiyak namang natututo na tayo sa pagharap sa mga pagsubok na ito, mapapansin naman kung paano na nagiging mas alerto at responsable ang taumbayan kapag may sakuna.


Hindi tulad noon na marami ang matitigas ang ulo.


Kung magpapatuloy ang pagkakaisa ng lahat mula sa bawat bansa hanggang sa buong mundo, masasabing kaya pa ring harapin ang anumang kalamidad.


At higit sa paghahanda at pagharap sa kalamidad, napakahalaga na pangalagaan ang ating kalikasan.


Ito pa rin ang magpoprotekta sa atin, at sa kalikasan pa rin tayo tatakbo kapag nag-umpisa na sa pagbangon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page