Sa Cliveden Hotel sa UK ikinasal… LOVI, KA-LEVEL NI MEGHAN MARKLE
- BULGAR
- Aug 28, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 28, 2023

Ikinasal na si Lovi Poe sa kanyang British partner na si Montgomery ‘Monty’ Blencowe noong Sabado nang hapon, August 26 sa United Kingdom. Ang naturang kasal ay ginanap sa Cliveden House sa Taplow, Berkshire, England.
Isa ang TV presenter na si Tam Yap sa mga guests sa kasal at ibinahagi pa nga niya ang video clip ng iconic bridal walk ni Lovi sa social media.
Ngayong officially Mrs. Montgomery Blencowe na si Lovi, ‘di niya napigilang maging emosyonal habang naglalakad papalapit sa altar. Aniya, “I am savoring this moment.”
Sa kanyang Instagram Story, ipinasilip naman ni Dra. Vicki Belo ang venue ng kasal nina Lovi at Monty na ginanap sa isang garden na pawang lovely pink flowers ang nakalagay na decorations.
Maging siya ay namangha sa lugar kaya maririnig ang pagsabi niya ng “What a perfect place.”
Alam n’yo ba na ginanap ang kasal nina Lovi at Monty sa isang glamorosong hotel kung saan doon nag-stay si Meghan Markle habang naghihintay siyang makasal kay Prince Harry? Bukod doon, makasaysayan din umano ang napaka-luxurious na hotel dahil marami raw iskandalong nangyari rito.
Halos mga dugong bughaw din umano ang nagtse-check-in sa Cliveden House, Berkshire, England at dito rin daw malimit gawin ang kanilang mga events.








Comments