top of page

Na-blind item na hiwalay na… DINGDONG AT MARIAN, NAG-POST NG PIKTYUR NA HAPPY TOGETHER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | January 11, 2026



WINNER - DINGDONG AT MARIAN, NAG-POST NG PIKTYUR NA HAPPY TOGETHER_FB Dingdong Dantesl

Photo: FB Dingdong Dantesl



Nginusuan lang ng power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang piktyur na ipinost nila sa kanilang Facebook at IG page.


Pang-asar daw ito ng mag-asawa sa mga nagdadawit sa kanila sa kumakalat na blind item sa social media tungkol sa celebrity couple na on the rocks ang marriage.


Si Dingdong kasi ang tinutukoy ng ibang netizens sa blind item na mestizo hubby na nagpi-flirt daw sa ibang babae. At tanggap naman daw ito ng kanyang misis para hindi masira ang kanilang pamilya.


Caption ni Dingdong sa piktyur nila ni Marian na naka-nguso, “Day two ng kanyang workout for 2026 at fresh pa rin (smile emoji) Marian Rivera.”


Na-happy ang mga fans nina Dingdong at Marian sa latest post ng Kapuso actor.

“Oh ‘yan, super-kilig, ‘di ba? Nasaan na r’yan ‘yung pa-blind item pa kayo?”

“Confirmed, hindi sila.”


“Hahaha! ‘Yun, nag-upload si Daddy Dong. Mga Marites kasi, manghuhula sila. Sila raw ang power couple na naghiwalay na. Stay strong, DongYan.”


Dahil diyan, nanghula ang mga netizens ng ibang celebrity couples na sa tingin nila ay pasok sa blind item.


Sey ng mga netizens:


“It’s either Anne and Erwan, K and Yael, Heart and Chiz.”


“For me, Luis and Jessy or Toni and Paul.”


“Yeah, same. Super in love si Paul kay Toni.”


So, sino nga kaya?



Deboto ng Nazareno…

COCO, JOIN SA TRASLACION 2026



ISA si Coco Martin sa mga celebrities na nakita sa simbahan ng Quiapo sa ginanap na Kapistahan ng Hesus Nazareno noong nakaraang Biyernes. 


Alam ng marami na deboto ng Hesus Nazareno ang aktor at hindi ito nagmi-miss sa pagpunta sa Quiapo tuwing Pista ng Nazareno.


Noong nakaraang taon, nagkaroon pa ng entablado sa isa sa mga maliliit na kalsada sa gilid ng Quiapo ang produksiyon ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na pinagbibidahan ni Coco.


Siyempre, maraming dapat ipagpasalamat si Coco sa mga biyayang ginawa ng Panginoon sa personal life at career niya. Hanggang ngayon ay umeere pa rin ang BQ kahit marami nang nagbalitang mawawala ito sa ere.


Patuloy pa ring namamayagpag ang action-drama serye ni Coco, gaya na lang sa huling episode ng hit Kapamilya action series kung saan matindi ang sagupaan nina Coco Martin at Baron Geisler matapos na bigong patayin ni Rockyboy (Baron) si Tanggol (Coco). 


Napapanood na rin ito sa Kapamilya Channel sa ALLTV2.


Hindi umubra kay Tanggol ang kalupitan ni Rockyboy nang subukan nitong patumbahin siya habang nakasuot ng costume na parang serial killer. Kahit nag-aagaw-buhay na si Tanggol bago pa ang pag-atake ni Rockyboy, nagawa pa rin niyang makaganti sa kabila ng madugong engkuwentro.


Ngayon, kailangan nang gumawa ng panibagong plano ni Tanggol bago pa siya maunahan ni Rockyboy, na gigil na gigil makaganti dahil sa pambubugbog na ginawa sa kanya ni Tanggol noong una nilang pagkikita.


Napapanood ang FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang Kapamilya Channel sa ALLTV2.


Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 PM, sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Cinemo, iWant, at Kapamilya Online Live.

Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page