top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa bahay muna ng madir tumira… CLAUDINE, UMAMIN NA KUNG BAKIT WALANG KURYENTE SA BAHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 2, 2021
  • 2 min read

Updated: Jan 9, 2021

Julie Bonifacio - @Winner | January 2, 2021




Kinlaro ni Optimum Star Claudine Barretto ang napabalitang pinutulan ng kuryente ang bahay niya sa isang posh subdivision sa Kyusi.


Wala raw problema sa Meralco si Claudine kaya 'di raw true ang lumabas na report sa PEP Troika na bahagi ng kilalang online showbiz portal sa bansa kamakailan.


At dahil sa PEP.ph lumabas ang report, agad silang tinawagan ng aktres para linawin ang naturang report na nakalap ng PEP Troika kay Atty. Ferdinand Topacio.


Na-misinterpret lang daw ni Atty. Topacio ang nasabi sa kanya ni Claudine nu'ng nagkausap sila sandali.


Ayon kay Claudine, dumaan sa bahay niya si Atty. Topacio para magdala ng regalo pagkatapos manggaling kina Mikey Arroyo. Halos magkatabi lang kasi ang subdivision na tinitirhan ng dalawang celebrities.


Hindi raw naintindihan ni Atty. Topacio nu'ng malaman niya na walang kuryente sa bahay ni Claudine.


Binaha raw ang bahay ng aktres sa Loyola Heights noong Bagyong Ulysses. Natumba raw ang buong retaining wall ng bahay nila na umabot hanggang sa swimming pool at sa first floor.


Dahil dito, nag-check-in daw muna sina Claudine sa isang hotel and then, tumuloy sa condo ng kanyang Mommy Inday sa Bonifacio Global City sa Taguig.


Kaya pagdaan daw ni Atty. Topacio, walang tao at kuryente sa bahay ni Claudine except sa guwardiya.


"Sabi ko sa kanya, 'Wala kaming kuryente, wala kami d'yan sa bahay.' Tapos, akala niya, naputulan ako ng kuryente," paliwanag ni Claudine sa PEP.ph.


Basa pa rin daw ang circuit breaker kaya kailangang patuyuin muna ang main switch. Pati raw ang mga socket sa bahay ay basa pa rin.


Pero nakabalik na raw sila ng kanyang tatlong anak sa bahay. Pag-uwi nila, malinis na raw lahat pati na ang dining area at office niya sa bahay.


And take note, never pa raw nakatikim ng brownout sina Claudine sa bahay dahil may generator siya na sinlaki ng ginagamit sa shooting ng pelikula. At kaya rin nitong pailawan ang buong village nila, huh?


Kuwento pa ni Claudine, may nagpunta nga raw na taga-Meralco sa bahay nila at tinanong if true na naputulan sila ng kuryente. Kasi nga, nag-promise ang Meralco na hindi sila magpuputol ng kuryente sa panahon ng pandemya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page