Sa abroad nire-reject, political dynasty, sa ‘Pinas buong angkan, sabay-sabay kumakandidato
- BULGAR

- Jul 24, 2024
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 23, 2024

MALABONG MAGING KASINGYAMAN NG SINGAPORE ANG ‘PINAS DAHIL SA DAMI NG MAGKAKAPAMILYANG POLITICIANS SA PHILIPPINES -- Sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) at dahil live ito ay kitang-kita ang pagmumukha ng mga magkakapamilyang pulitiko o political dynasty.
Next year, sa buwan ng Mayo 2024 ay midterm election na, at kung ang mga magkakapamilyang pulitiko pa rin ang iluluklok sa poder ng majority botanteng Pinoy, eh huwag nang umasa ang mamamayan na magiging kasingyaman ng Singapore ang ‘Pinas, kasi ang mangyayari ‘yung magkakamag-anak na politicians na naupo sa poder ang lalong yayaman, hindi ang ‘Pinas, boom!
XXX
SA IBANG BANSA NIRE-REJECT ANG POLITICAL DYNASTY, SA ‘PINAS BUONG ANGKAN NA SABAY-SABAY KUMAKANDIDATO, IBINOBOTO -- Sa ibang bansa ay may mga political dynasty rin, pero pagsapit ng eleksyon, isa lang sa kada angkan na kumakandidato ang ibinoboto at ang ibang kapamilya nilang kandidato, ibinabasura ng mga botante sa Singapore.
Pero sa Pilipinas, ibang klase ang mga botante rito, masyadong ina-idol ang mga magkakapamilyang pulitiko, buong angkan na sabay-sabay kumakandidato, ibinoboto, tsk!
XXX
SA SONA, OUT ANG MARALITA, MAGSASAKA, MANGGAGAWA, MANGINGISDA AT KATUTUBO, IN ANG MGA VLOGGER -- Sa SONA ni PBBM, daming invited pa lang vloggers.
Iyan ang bad sa Marcos admin, imbes na mag-imbita ng kahit tig-isa mula sa sektor ng maralita, magsasaka, manggagawa, mangingisda, katutubo, eh ang inimbitahan sa SONA ay mga Marcos vloggers, pwe!
XXX
IPINA-BAN NA NI PBBM ANG POGO, SANA NEXT IPA-BAN ANG ONLINE SABONG -- Sa kanyang SONA, ipina-ban na ni PBBM ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayos iyan, at sana next na ipa-ban ni PBBM sa social media ay ang raket na online sabong ng mga gambling lords, period.




Comments