top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sa 49th anibersaryo ng Martial Law... Mga raliyista sa Mendiola, itinaboy

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 21, 2021
1 min read

ni Lolet Abania | September 21, 2021




Itinaboy ng mga miyembro ng Manila Police Department ang isang kilos-protesta na naganap sa paanan ng Mendiola Bridge ngayong Martes nang umaga, bilang panawagan sa gobyerno na itigil na ang tinatawag na “tyranny”.


Isinagawa ng mga nagpoprotesta sa nasabing lugar ang isang rally bilang paggunita sa ika-49th anibersaryo ng Martial Law na idineklara noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.


May mga hawak ang mga raliyista na placards na nagsasabing, “Stop the killings” at “Stand for democracy! Rage against tyranny!”


Nakaantabay naman habang nakatayo sa kanilang harapan ang mga pulis upang harangin ang mga raliyista para hindi na sila makalayo pa, kung saan sa kabilang dulo ng Mendiola Road ay ang Malacañang Palace.


Samantala, nagsama-sama ang mga labor at youth groups umaga din ngayong Martes sa Bantayog ng mga Bayani para magsagawa ng wreath laying bilang pag-alala sa biktima ng Martial Law.


Kasunod na tinungo ng mga naturang grupo ang Carriedo sa Manila bago nagpunta sa Gomburza Plaza para makasama ang militant group na BAYAN.


Nitong Lunes, isang grupo naman ng mga madre ang nagsagawa rin ng kilos-protesta sa harapan ng St. Scholastica’s College sa Manila para tuligsain ang umano’y korupsiyon sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page