top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Sa 200 Partylist na nagparehistro, 50% diyan mga pamilyang trapo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 18, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 18, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SA 200 PARTYLIST NA NAGPAREHISTRO SA COMELEC, 50% TOTOONG PARTYLIST NG MARGINALIZED SECTOR AT ANG 50% PARTYLIST NG PAMILYANG TRAPO -- Inanunsyo ni Comelec Chairman George Garcia na pumalo na raw sa higit 200 ang nagparehistrong partylist na lalahok sa 2025 midterm elections.


Malamang 50-50 ‘yan, na ang ibig nating sabihin ay sa 200 partylist na nagparehistro sa Comelec, ang 50% diyan ay totoong partylist na nagre-represent sa marginalized sector, at ang 50% diyan ay partylist ng mga pamilyang trapo (traditional politicians), boom!


XXX


PARTYLIST NG MGA TRAPO, ANG REPRESENTATIVES KUNDI ASAWA AT ANAK, MGA KAPATID NG MGA SENADOR, DIST. CONG. AT GOBERNADOR -- Sa website ng House of Representatives, kapag tiningnan kung sino ang mga representante ng mga nanalong partylist last 2022 election ay dito makikita na ang partylist representative ay mga asawa, anak at kapatid ng mga senador, district representative at gobernador na may mga political dynasty.


Kaya kung hindi tatanggalin ng Comelec ang partylist ng mga trapo, isa lang ang dapat gawin ng mga botante at ito ay ibasura sa 2025 election ang partylist ng magkakapamilyang pulitiko, period!


XXX


BUKOD SA PERSONA NON GRATA, DAPAT SAMPAHAN DIN NG CRIMINAL CASE ANG MGA VLOGGER NA NAGWALA SA CORON MUNICIPAL HALL -- Dahil sa pagwawala at pamamahiya umano ng mga vlogger na sina Rendon Labador, Rosemarie “Rosmar” Tan Pamulaklakin sa isang staff ng Coron Municipal Hall, province of Palawan ay idineklarang persona non grata na sa naturang bayan ang mga ito.


Sana hindi lang persona non grata, sana ay sampahan din ng staff ng mga criminal case na grave oral defamation at slander ang mga vlogger na ito, na ibig sabihin, kahit na sila ay persona non grata na, papayagan silang makapunta sa Coron kapag may hearing sila sa isinampang kaso laban sa kanila, boom!


XXX


MAY POWER ANG MGA LGUs NA I-BAN ANG MGA POGO SA KANILANG MGA NASASAKUPAN -- Kung ayaw ng Marcos administration na i-ban sa Pilipinas ang mga Chinese POGO (Philippine Offshore Gaming Operator), dapat ang mag-ban na sa mga ito ay mga gobernador at mayor ng mga local government units (LGUs).


Sa totoo lang kasi may power naman ang mga LGU na i-ban ang POGO sa kanilang mga jurisdiction, pero ewan ba sa ilang gobernador at mayor kung bakit pinapayagan nilang mag-operate sa kanilang mga nasasakupan gayong alam naman nila na bukod sa pasugalan na ang POGO, ay pinamumugaran pa ito (POGO) na mga Chinese na notoryus na kriminal, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page