top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Russia, tinalo ang U.S. at China, naunang nakaimbento ng bakuna kontra COVID-19!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 13, 2020



Nakaimbento na ng COVID-19 vaccine ang Russia.


Tinalo nito ang U.S. at China!


◘◘◘


Kasama ang Pilipinas sa mga bibigyan ng trial vaccine kontra COVID-19.


‘Dengvaxia’ returns!


◘◘◘


Wala nang direksiyon ang press conference ni P-Digong.


Hindi kaya nag-uulyanin na?


◘◘◘


Tinalo ng face shields ang popularidad ng face mask.


Kahit sa anti-COVID-19 items, may inggitan!


◘◘◘


Marami ang naiinggit sa Russia dahil sa Sputnik V vaccine.


Ganyang talaga ang buhay!


◘◘◘


Kapag nagklik ang bakuna ni Putin, biglang yaman ang Russia.


Kapag sa Pilipinas ito minapaktura, biglang sikat ulit si P-Digong!


◘◘◘


Unang bibigyan ng bakuna ang mga pulis at sundalo.


Paano kung “death” ang side-effects?


Sino ang magtanggol sa Spratly Islands?


◘◘◘


Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, kailangan pang suriin ang nasabing bakuna.


D’yan na siya masisibak!


◘◘◘


Binubuhay ng isang diyaryo ang claim ng Pilipinas sa Sabah.


Lumakas tuloy ang kanilang sirkulasyon sa North Borneo!


◘◘◘


Bumaba nang todo ang bilang ng krimen sa Metro Manila.


Nagsibalik sa kani-kanilang lalawigan ang mga kawatan!


◘◘◘


May malulubhang sakit ang mga inaakusahang mandarambong na ehekutibo sa PhilHealth.


Natikman na nila ang parusa!


◘◘◘


Ang stress at guilty conscience ay aktuwal na nagpapahina ng immune system.


Malinaw na totoo ito!


◘◘◘


Pinag-aagawan ang bangkay ng napaslang na lider ng militanteng grupo.


Baka kumpirmadong “walang COVID-19”?


◘◘◘


Kung may COVID-19 ‘yung lider ng militante, imbes na pag-agawan, tiyak na pandirihan ‘yan.


Hay, buhay-COVID nga naman, paglukso—dedo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page