Rumesbak sa Star Magic… "PALABAN KAPAG TAMA 'YUNG IPINAGLALABAN" — JANELLA
- BULGAR
- Jul 13, 2023
- 2 min read
ni Maricon Nolasco @MarisPluk | July 13, 2023

Matapos mag-viral ang naging tweet ni Janella Salvador kamakailan na, “Ah, k. Noted,” na may kasamang mga emojis na star at magic wand ay nag-message raw sa kanya agad ang broadcast radio host na si DJ Jhai Ho.
Nu'ng nag-message raw si DJ Jhai Ho kay Janella ay hindi niya muna ipinaalam na ire-reveal niya ang kanilang conversation sa YouTube vlog na isa siya sa mga hosts.
Ang una niyang ginawa ay ipinakita kay Janella ang screenshot ng tweet nito sa Twitter na talagang nag-viral at naging trending topic sa social media. Hanggang sa umabot na nga sa pagkakaroon ng "#JanellaDeservesBetter" movement mula sa mga fans and supporters ng aktres.
Ang sey ni DJ Jhai Ho, “Jea (nickname ni Janella), hahahaha! Palaban!”
Mabilis daw na nag-reply ang aktres at ang eksaktong sagot nito, "Palaban kapag tama 'yung ipinaglalaban. Valid naman siguro 'yung tampo ko," with sad face emoji.
At hindi na nga inusisa pa ni DJ Jhai Ho si Janella tungkol sa usaping ito, pero talagang mararamdaman mo sa naturang tweet na may himig-tampo nga ang aktres sa Star Magic dahil sa pangyayaring 'yun.
Isa sa mga pinakasikat na talents ng Star Magic si Janella. Sa tagal na ng itinakbo ng kanyang career sa showbiz ay napatunayan na nga nito na may ibubuga siya sa pag-arte at bilang singer and performer.
Unang lumabas si Janella sa hit series na Be Careful with My Heart. Nagkaroon din siya ng mga lead roles sa mga series tulad ng Oh, My G!, Killer Bride at naging kontrabida rin sa recent action series na Darna.
Well, hindi naman totally naetsapuwera si Janella sa naturang Star Magic catalogue dahil may two pages nga raw na inilaan para sa kanya.
Ang hindi lang siguro ma-take ng aktres ay kung bakit hindi siya napasama sa front page cover ng catalogue ng Star Magic para sa kanilang 30th special anniversary.
Bukod doon, siguro nga ay na-hurt din si Janella nang hindi siya maimbitahan sa ginanap na launch ng Star Magic para sa kanilang catalogue.
Sumang-ayon naman ang mga fans and supporters ng aktres na mas deserving daw ang kanilang idolo sa front page kesa sa mga baguhang artists na wala pa namang napapatunayan.
At baka true rin daw ‘yung kumakalat na may “favoritism” ang Star Magic sa mga artists nila, kaya’t ang iba ay hindi nabibigyan ng spotlight kahit magagaling naman sa kani-kanilang crafts.





Comments