top of page
Search
BULGAR

Roque umaasang titingnan ng SC ang kanyang petisyon vs imbestigasyon ng Kamara

ni Angela Fernando @News | Oct. 2, 2024



News Photo

Umaasa si dating presidential spokesperson Harry Roque nitong Miyerkules na titingnan ng Supreme Court (SC) ang natitirang bahagi ng kanyang petisyon laban sa imbestigasyon ng apat na komite ng Kamara, na nag-contempt sa kanya at nag-utos ng kanyang pagkakulong.


Matatandaang ibinasura ng SC ang petisyon ni Roque para sa isang writ of amparo ngunit pinagbigyan ang kanyang petisyon para sa isang writ of prohibition.


“We accept with all humility the decision of the Supreme Court to dismiss the petition for amparo, even as we remain hopeful that the Court will continue to look into the rest of our prayers that the Quad Committee’s investigation, which we maintain, is no longer in aid of legislation,” saad ni Roque sa isang Facebook post.


Inihirit ni Roque sa kanyang pinasang petisyon na maglabas ng writ of amparo upang ipagbawal ang kanyang pag-aresto at isang pansamantalang kautusan na hahadlang sa Quad Committee (QuadComm) ng Kamara na ipatupad ang kautusan ng pag-aresto laban sa kanya.


Hiniling din ng kampo ni Roque sa korte na maglabas ng writ of certiorari at writ of prohibition upang pigilan ang QuadComm na pilitin siyang magbigay ng karagdagang dokumento o dumalo sa mga susunod na pagdinig.



0 comments

Коментарі


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page