Romualdez, ‘di kinukonsidera bilang state witness —DOJ
- BULGAR
- 1 day ago
- 1 min read
by Info @News | October 18, 2025

Photo: Martin Romualdez - DOJ
Mariing itinanggi ng Department of Justice (DOJ) na kinukonsidera nila si dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez para maging state witness sa imbestigasyon sa flood control projects anomalies.
Giit ng DOJ, walang kahit anong makatotohanan o legal na basehan ang anila'y "misinformation" na ito.
Nilinaw din nila na hindi pa umano nag-a-apply si Romualdez upang maging state witness.
Binalaan din ng DOJ ang publiko laban sa mali, mapanlinlang na mga katotohanan o pampulitika na propaganda na binabaluktot o maling ginagamit ang mga legal na termino upang lituhin ang publiko.
Comments