Rombaon at Krogg namayani sa road races ng Nat'l C'ships
- BULGAR
- Feb 9, 2024
- 2 min read
ni Anthony Servinio @Sports | February 9, 2023

Iwinagayway nina Avegail Rombaon at Mathilda Krogg ang bandila ng Team Philippine Navy-Standard Insurance nang walisin ang women’s road race titles sa PhilCycling National Championships for Road 2024 sa Cavite at Batangas kahapon ng umaga.
Nakasolo breakaway si Rombaon matapos ang unang 50 kms at nanatiling matibay ang pedal lalo na sa akyatan sa sa Sampaloc climb saLaurel at solong matapos makaraan ang oras na 4 hours, 22 minutes at 03.69 seconds.
Ang multi-medalist na cyclist—kung saan naka-MTB bronze sa 2019 SEA Games ay nasungkit din sa Laurel town at naagawan ng korona ni Rombaon si Jermyn Prado at nanatiling solo sa pinal na 30kms ng 134-km Women Elite na nagsimula at nagtapos sa Praying Hands sa Tagaytay City.
Naorasan si Prado ng 4:23:21.83 para mauna kay Maura de los Reyes, na kumumpleto sa 1-3 Standard Insurance finish sa bisa ng bronze medal sa oras na 4:28:33.77 sa karera na inorganisa ng PhilCycling at isinaayos ng UCI.
Nagawa ring makasungkit ni Krogg sa Women Under-23 ng korona sa 4:24:22.40 clocking sa kampeonato na inihanda ng Standard Insurance. Sumegunda pagdating sa meta si Wenizah Claire Vinoya matapos ang 26 segundo at si Raven Joy Valdez ay higit 1 minutong bumuntot para sa medal ceremony na iginawad ni Philippine Olympic Committee at PhilCycling president Abraham “Bambol” Tolentino at Standard Insurance Group chairman Ernesto “Judes” Echauz.
Samantala, dinomina ni Kim Bonilla ang Women Junior race noong Miyerkules, para sa kanyang ikatlong gold medal sa criterium at time trial sa 1:08.73. Kinumpleto rin nina Rosalie de la Cruz (1:12:31.73) at Jazmine Kaye Vinoya (1:27:57.97) ang podium.
Nagwagi si Mark Baruelo (2:02:23.13) sa Men Junior road race, kasunod ni Carl Ivan Alagano (2:02:32.76) at Charles Ferrer (2:02:44.73).








Comments