Todo-displey pa sa IG... ROLEX WATCH, BUKING NA 'DI KAY SHARON; POST, BINURA
- BULGAR

- Jul 6, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2020

Matapos idispley ni Megastar Sharon Cuneta sa Instagram ang mga mamahalin niyang relo ngayong buwan ng Hulyo, katakut-takot na pamba-bash mula sa mga netizens ang kanyang inabot.
Sa first photo, dalawang Rolex watches na black and white ang kanyang ipinost with the caption: “For every stab at my heart, a promise to myself of something new. In line: You, Daytona, the black one on the left.”
Ang sumunod na ipinost ni Megastar ay ang luxury watch na may diamonds with the caption: “You. They might never have you. Because they are bad people. But I love you! And >>> Am wearing you now.”
Ang naturang relo ay may date na 29 at “Sunday” ang nakalagay na araw. Deleted na ang ikalawang luxury watch na ito.
Samantala, pinagpiyestahan ng mga netizens ang post ng isang Facebook page na Thinking Pinoy na picture ng post ni Sharon at ng watchshow_rolex_israel with a caption: “Ate Shawie, is that watch even yours?”
Makikita kasi sa Instagram post ng watchshow_rolex_israel noong June 29 na rolex watch, parehong-pareho ito sa ipinost ni Sharon na kanyang binura.
Sa ngayon, wala pang reaksiyon si Megastar tungkol sa bagong pinagpipiyestahan sa social media pero mas mabuti kung mabibigyang-linaw niya ito.





Comments