Rockets Star Westbrook, positibo sa coronavirus
- BULGAR

- Jul 15, 2020
- 2 min read
ni MC - @Sports | July 15, 2020

Inanunsiyo mismo ni Houston Rockets star Russell Westbrook na nasuri siyang positibo sa coronavirus bago pa man magtungo ang team sa Walt Disney World.
“I tested positive for COVID-19 prior to my teams departure to Orlando. I’m currently feeling well, quarantine, and looking forward to rejoining my teammates when I am cleared. Thank you all for the well wishes and continued support. Please take this virus seriously. Be safe. Mask up! #whynot,” aniya sa kanyang Twitter account.
Maliban kay Westbrook, hindi rin nakabiyahe kahapon ang mga co-star niyang sina James Harden at rookie na si Luc Mbah a Moute patungong Orlando, Florida.
Unang nag-anunsiyo ang NBA na may 2 sa kabuuang 322 mga players ang nagpositibo sa isinagawang testing nang dumating ang mga ito sa Orlando bubble at ang dalawa ay agad na umalis sa campus para dalhin sa isolation housing. Sinabi ng liga na mula noong Hulyo 1 ay 19 na players ang nagpositibo sa COVID-19.
Umaasa naman si coach Mike D’Antoni na tatlo sa kanyang infected na players ay makararating sa NBA bubble sa Disney World sa susunod na 3 hanggang 4 na araw. Hindi na nagbanggit ang Rockets kung ano ang rason at wala silang players na dumating. “These are things that people are dealing with,” saad ni D’Antoni.
Kailangang mag-quarantine ang players sa kanilang mga silid sa loob ng 48 oras pagkadating sa Disney at bago makapagpraktis sa kapwa players. Umaasa siyang makakarekober din ang kanyang 3 players at hindi ito makaaapekto sa laro ng Rockets, lalo na kung magsisimula na ang playoffs.
Hindi rin nakarating si Bruno Cabocio dahil kailangan niya pang manatili ng 8 araw sa isolation room bunga ng paglabas nito kaya hindi makakasama sa iba pang team activities.
Samantala, balik quarantine naman si Richaun Holmes ng Sacramento Kings nang maghanap ito ng pagkain sa labas ng NBA bubble area, kaya 10-araw itong mananatili uli sa kanyang silid. “I apologize for my actions and look forward to rejoining my teammates for our playoffs push,” ani Holmes, na may 8 araw na lang natitira para matapos ang bagong quarantine period.





Comments