top of page

ROBIN, SUPORTADO NG LAHAT NG RELIGIOUS GROUPS KAYA NAG-NO. 1 SENATOR

  • BULGAR
  • May 22, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 22, 2022



Sa kanyang short speech noong proclamation ng mga nanalong senador, pinasalamatan ng action star na si Robin Padilla ang buong Muslim community sa Mindanao at sa iba pang parte ng Pilipinas. Solid na solid kasi ang botong ibinigay sa kanya ng mga kapwa niya Muslim.


Nagpasalamat din si Sen. Robin sa pamunuan ng INC (Iglesia Ni Cristo) na nagtiwala sa kanyang kakayahan kaya siya inendorso. Malaking factor 'yun para sa mataas na bilang ng boto na kanyang nakuha.


Bukod dito, nagpasalamat din si Robinhood kina Pastor Apollo Quiboloy, Bro. Eddie Villanueva at sa grupo ni Bro. Eli Soriano.


Malaking porsiyento rin ang boto ng kanyang mga fans na Katoliko.


Halos lahat ng religious sectors ay nagkaisa at ibinoto si Robin Padilla. Kaya, hindi na kataka-takang nakuha niya ang number one slot sa mga nanalong senador.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page