top of page
Faith Da Silva at Sam Verzosa - IG.jpg

Robin: Hindi ko itinakas si Bato

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 23, 2026



ROBIN: HINDI KO ITINAKAS SI BATO

Photo: Senate PH - FB



Nanindigan si Senador Robinhood Padilla na hindi niya tinulungan si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na “tumakas” dahil nakiusap lamang umano ito na makisabay sa kanya palabas ng gusali matapos ang insidente ng barilan sa Senado.


“Ang sabi ni Senator Bato, ‘Sasabay na ko.’ Alangan namang tanggihan ko 'yun? Walang sasakyan si Sen. Bato dahil inihatid lang siya sa Senado ng sasakyan ni Senador Alan Peter Cayetano,” wika ni Padilla sa panayam ng Net25.


Aniya, bumaba si Dela Rosa sa Makati kung saan umano naghihintay ang sarili nitong sasakyan.


Hindi na rin umano niya tinanong kung saan magtutungo ang dating hepe ng Philippine National Police matapos silang maghiwalay.


“Paano kami tatakas? Ang daming pulis sa loob at labas ng Senado, may CCTV pa. Wala namang humarang sa amin,” ani Padilla.


“Ayon mismo sa Senate President, wala ring local warrant. Kaya very relaxed kami,” patuloy niya.


Kaugnay nito, itinanggi ni Padilla na maituturing na “fugitive” o pugante si Dela Rosa.

“Para sa akin, hindi siya fugitive. Hindi ko matanggap na basta na lang natin tatawaging ganoon dahil sinabi ng dayuhan. Kailangan din nating igalang ang sarili nating proseso bilang bansa,” diin ni Padilla.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page