top of page
Faith Da Silva at Sam Verzosa - IG.jpg

ROBIN, 'DI RAW ITINAKAS SI BATO, ISINABAY LANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 23, 2026



SPECIAL ARTICLE - ROBIN, 'DI RAW ITINAKAS SI BATO, ISINABAY LANG-FB Robin Padilla & Bato dela Rosa

Photo: FB Robin Padilla & Bato dela Rosa



Todo-tanggi si Sen. Robin Padilla sa kanyang panayam sa Net25 tungkol sa alegasyong tinulungan niya umanong makatakas si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa gitna ng isyu kaugnay ng International Criminal Court (ICC) investigation na may kinalaman sa war on drugs ng administrasyong Duterte.


Si Dela Rosa ay naiuugnay sa kasong crimes against humanity na isinampa sa ICC kaugnay ng libu-libong pagkamatay sa kampanya kontra sa droga, dahilan upang maging laman ng mga ulat at espekulasyon ang kanyang posisyon at galaw sa loob ng Senado.


“Paano kami tatakas? Ang daming pulis sa loob at labas ng Senado, may CCTV pa. Wala namang humarang sa amin,” sey ni Sen. Robin. 


Giit pa niya, walang umiiral na local warrant kaya ‘very relaxed’ lamang sila sa Senado.

Ayon pa kay Sen. Robin, sinabi umano ni Dela Rosa na ‘sasabay na siya’, kaya hindi niya ito tinanggihan. 


Dagdag pa niya, walang sariling sasakyan ang senador at inihatid lamang ito sa Senado ng sasakyan ni Sen. Alan Peter Cayetano.


Dahil dito, marami ang nagalit dahil puro drama na ang nangyayari at may mga problema pa ang buong bansa na sumasabay pa ito.

Sey ng mga netizens…


“Alam n’ya ‘yan kung saan nagtatago si Bato.

“Si Bato, nandu’n na kay Darna. Hahaha!”


“Pinasabit mo si Bato sa sasakyan mo. Kaya naman, sabit ka na rin sa kaso.”

“Pinatakas or itinakas, which is which?”

“Ano ka, Grab or Angkas driver?”


“Bumoto ulit kayo ng artista next election. Galingan n’yo.”

“Palusot pa more, Robin.”





UMANI ng sari-saring reaksiyon mula sa mga celebrities ang pagputol sa mga matatandang puno sa Manila upang bigyang-daan ang isang expressway project.


Maraming netizens at artista ang nagpahayag ng pagkabahala sa posibleng epekto nito sa kalikasan, partikular ang pagkawala ng mga lumang puno na nagsisilbing natural na proteksiyon laban sa init at polusyon sa lungsod.

Unang-una na sa hanay ng mga dismayadong celebs ang aktres na si Kaye Abad. 

Sey niya, “IIYAK NA NAMAN SA BAHA.”


Sinegundahan naman ito ng TV host na si Lyn Ching-Pascual (@lynching7) na hindi rin naitago ang lungkot at takot sa puwedeng mangyari kapag bumuhos ang malakas na ulan. 


Aniya, “Maghanda na kayo sa baha. Nakakaiyak!”

Sey naman ni Teresa Loyzaga (@teresaloyzaga), “No!!!!!!!! OMG (crying emoji).”

Hindi naman nagpahuli ang sexy actress na si Arci Muñoz (@ramonathornes) na nag-iwan na lang ng nag-iisang crying emoji. Ganito rin ang naging reaksiyon ni Janno Gibbs.


Dahil sa lumalaking pambabatikos mula sa mga environmental groups at mga netizens, agad namang todo-paliwanag ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Ayon sa ahensiya, dumaan naman daw sa masusing evaluation at legal na proseso ang Tree-Cutting (Permit No. 2026-02-04-TCEBP-1609) na inisyu noong March 26, 2026. 


Depensa pa ng DENR, hindi naman daw lahat ay tuluyang papatayin. Ang ilang mga qualified na puno ay isasailalim sa tinatawag na ‘earth-balling’ o ita-transplant sa ibang lugar. At bilang kapalit sa mga mapuputol na puno, may nakatakda umanong itanim na libu-libong seedlings.


Pero ang tanong ng mga netizens, kailan pa lalaki ang mga bagong seedlings na iyan para palamigin ang Maynila kung ngayon pa lang ay apektado na ang mga Pinoy sa tindi ng init ng panahon?


Hati ngayon ang opinyon ng publiko, may mga pabor para sa modernisasyon at bawas-trapiko, pero mas marami ang nagsasabing huwag naman sanang isakripisyo ang inang kalikasan para lang sa sinasabing ‘pag-unlad’.


O, kayo mga Ka-BULGAR, keri n'yo bang tiisin ang init at baha kapalit ng bagong expressway? 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page