top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Rob Gomez, 6 buwan nang ‘di nakikita ang anak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 18, 2024
  • 2 min read

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 18, 2024



FIle Photo


Inihayag ng aktor na si Rob Gomez na ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang makita muli ang kanyang anak na anim na buwan niya nang hindi nabibisita.


Binanggit niya na sinusubukan niyang makakuha ng 'visitation rights' sa anak niyang si Amelia sa isang TikTok video ng entertainment journalist na si MJ Marfori. “December pa ‘yung last [naming pagkikita],” panimula ni Rob.


“I’m doing everything legally. I hope my daughter will see this one day. I’m doing everything I can. All of my off days are spent working on getting to see her,” dagdag niya. Ibinahagi rin ng aktor na wala siyang contact kay Shaila Rebortera, ang ina ng kanyang anak.


“Because [the mom of our child] and I have no contact. Walang may gustong mag-stay in the middle of us,” aniya. Nang tanungin kung paano ang pag-usad ng legal na proseso, sinabi ni Gomez na napakabagal nito.


“Mabagal, sobrang bagal. Parang sa kanila, okay lang ang oras na nawawala pero sa 'kin, hindi. Ako lang ang nakakaramdam ng mabagal na oras,” anang aktor.


“As in lahat ng resources, lahat ng pwede kong mapagtanungan, mapaghingan ng tulong,” dagdag pa niya. Gayunpaman, malaki pa rin ang pag-asa ni Rob na makikita niyang muli ang kanyang anak sa tamang panahon.


“One day, I’ll see my daughter again… It’s a long life but I want her now. She’s a year and six months now. I stalk my [ex] and look for photos of her,” aniya.


Si Rebortera na nagwagi bilang Miss Multinational Philippines 2021 at Miss Millennial Philippines 2018, ay lumantad noong Agosto 2023 para ipakilala sa publiko ang kanyang anak na babae kay Gomez.


Matatandaang inakusahan niya noon ang aktor ng physical abuse. Noong Disyembre 2023, naging usap-usapan sa social media si Gomez nang kumalat ang kanyang mga malisyosong text messages kasama ang mga co-stars sa "Magandang Dilag" na sina Herlene Budol at Bianca Manalo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page