top of page
TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila.jpeg

Riot ng mga kabataan... 14-anyos, sapul ng bala sa ulo, todas

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
1 min read

ni Maeng Santos @News | November 15, 2026



Caloocan City Medical Center - FB

Photo: File / Caloocan City Medical Center - FB



Isang 14-anyos na binatilyo ang nasawi matapos tamaan ng bala sa noo sa nangyaring riot ng mga kabataan sa Caloocan City.


Batay sa ulat ng tanggapan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili, naganap ang riot ng mga kabataan ala-1:50 ng Biyernes ng madaling-araw sa kahabaan ng C3 Road Railway, Brgy. 49.


Nakarating lang sa kaalaman ng Caloocan Police ang insidente nang tumawag sa police station ang security personnel ng Caloocan City Medical Center at ipaalam na may menor-de-edad na isinugod sa kanilang pagamutan matapos magtamo ng tama ng bala sa noo.


Sa pahayag na inilabas ng Caloocan Police Station, tukoy na nila ang pagkakakilanlan ng walong indibidwal na kabilang sa grupong sangkot sa insidente, kabilang na ang ang suspek na umano’y gumamit ng improvised pen gun na naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.


Nagsasagawa na ng malawakang operasyon at intelligence driven manhunt upang matunton ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page