top of page
Vice Ganda sa UAAP 89 - IG.jpg

Rider, huli sa akto sa P1M droga

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Gina Plenago @News | September 16, 2026



Rider huli sa 1M droga - SPD

Photo: SPD



Huli ang isang motorcycle rider nang makuhanan ng mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Taguig City Police, Lunes ng gabi sa Taguig City.


Dinakip ng mga operatiba ni SPD Director P/BGen. Rodel Pastor si alyas Bag, 45, na bago lamang sa listahan ng mga High-Value Individual (HVI), makaraang bentahan ng umano'y shabu ang pulis na nakatalaga sa District Drug Enforcement Unit na nagpanggap na buyer.


Ilang araw umanong tiniktikan ang ilegal na aktibidad ng suspek bago pumayag na makipagtransaksiyon sa inaakalang buyer sa Mindanao Ave., Brgy. Maharlika Village.


Umabot sa 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000 at gamit niyang mobile phone ang nakumpiska kay "Bag" na mahaharap sa reklamong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng R.A. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Taguig City Prosecutor’s Office. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page