Rider at Angkas, dedbol sa SUV

ni Janice Baricuatro @News | October 27, 2026

Photo: FP
Patay ang rider at angkas nitong babae matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na SUV sa Antero Soriano Highway, Brgy. Lambingan, Tanza, Cavite, madaling-araw kamakalawa.
Kinilala ang mga biktima sa alyas Errol, 37, at angkas nitong si Rose. Hawak na ng pulisya ang driver ng SUV na si “Alejandro.”
Batay sa ulat, kapwa umano mabilis ang takbo ng motorsiklo at SUV na patungong Tanza Proper nang magkasalubong ang mga ito. Hindi na nagawang makaiwas ng dalawa kaya malakas na nagsalpukan at tumilapon ang mga biktima.
Kapwa wasak ang mga sasakyan ng mga ito sa lakas ng banggaan.
Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima, subalit kapwa idineklarang dead-on- arrival.
Kinasuhan ang driver ng SUV ng reckless imprudence resulting in two counts of homicide and damage to property.





Comments