top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Rice Tariff Law at Oil excise Tax, pahirap sa taumbayan, ibasura na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 3, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 3, 2023


HINAYAAN PA MUNA NG MARCOS ADMIN MAKAPAGSAMANTALA ANG MGA RICE CARTELS BAGO NAGLABAS NG PRICE CEILING SA PRESYO NG BIGAS --Makalipas ang halos dalawang buwang pagtaas ng presyo ng per kilo ng bigas, na ang pinakamababa ay P50 per kilo, saka lang naglabas ng Executive Order si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na simula Sept. 5, 2023 ay dapat ang pinakamababang presyo ng regular milled rice ay P41 per kilo at ang well-milled rice ay P45 per kilo.


Nasa mandato naman talaga ng gobyerno na maglabas ng price ceiling sa presyo ng bigas, pero mantakin n’yo, hinayaan munang huthutan o makapagsamantala sa loob ng halos dalawang buwan ang mga rice cartel bago nagtakda ang pamahalaan ng tamang presyo ng bigas na dapat ibenta sa merkado, tsk!


◘◘◘


IPAWALANG-BISA LANG ANG RICE TARIFF LAW NI EX-P-DUTERTE PUWEDE PANG MAGING P30 HANGGANG P37 PER KILO NG BIGAS -- Ayon sa iba’t ibang farmers organizations ay kaya pang ibaba sa P30 hanggang P37 per kilo ng bigas sa Pilipinas kung itutuon ng gobyerno ang pagbibigay ng todo-suporta sa mga magsasaka kaysa rice importation sa ibang bansa. Dahil kung ipag-uutos ng pamahalaan sa mga rice traders na ang palay ng mga magsasakang Pinoy ang bilhin sa halagang P19-P22 per kilo, idagdag ang gastos sa drying, milling, hauling at transportasyon, ay malaki pa rin ang kikitain ng mga kapitalista hanggang retailers kahit ibenta sa halagang nabanggit (P30-P37 per kilo) ang presyo ng bigas sa ‘Pinas.


Ang nais ipunto ng mga magsasakang Pinoy ay ipawalang-bisa na ni P-BBM ang Rice Tariffication Law na isinabatas ni ex-P-Duterte, kasi sa batas na ito ay hinahayaan ang mga rice traders na walang limit na mag-angkat ng imported rice at silang mga kapitalista ang hinayaang magtakda ng presyo ng imported rice sa merkado, period!


◘◘◘


MGA PAHIRAP NA RICE TARIFF LAW AT OIL EXCISE TAX NI EX-P-DUTERTE DAPAT IPAWALANG-BISA NI P-BBM -- Hindi lang ang Rice Tariffication Law ni ex-P-Duterte ang nagpapahirap sa mamamayan, kundi pati ang oil excise tax na inaprub ng dating pangulo.


Ipawalang-bisa lang ni P-BBM ang Rice Tariff Law ni ex-P-Duterte ay puwede talagang mangyari na maging P30 hanggang P37 per kilo ng bigas sa Pilipinas. At ipawalang-bisa lang din ni P-BBM ang oil excise tax ni ex-P-Duterte ay ayon sa tantiya ni Sonny Africa ng IBON Foundation ay mababawasan ng P19 kada litro ng gasolina at P16 kada litro ng diesel.


Ewan ba rito kay ex-P-Duterte kung ba’t sa panahon ng pagiging presidente niya ay nagpairal ng mga ganitong uri ng batas na nagpahirap sa mga magsasaka, motorista at mamamayan, tsk!


◘◘◘


NEXT WEEK MAY DAGDAG-GASTOS NA NAMAN SA LANGIS NA IPAPATAW ANG MARCOS ADMIN -- Next week ay magpapatupad na naman ang mga oil companies ng dagdag P1 sa kada litro ng mga produktong petrolyo.


At dahil ang mga alagad ni P-BBM sa Dept. of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang nag-aprub n’yan, ibig sabihin ay may dagdag-gastos na namang ipapataw ang Marcos admin sa mga motorista next week, saklap!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page