top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Rice retailers, may P15K ayuda pero P40K naman ang lugi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 9, 2023


BAKA DAMING ESTUDYANTE ‘DI MAKAPAG-ARAL AT DAMING PASYENTE MADEDBOL SA BUDGET CUT NA GINAWA NG MGA TRAPO SA MGA SUCs AT PUBLIC HOSPITALS -- Hindi lang mga State Universities and Colleges (SUCs) ang binawasan ng budget ng Malacañang at ng majority senators and congressmen, kundi pati ang budget ng mga pampublikong ospital tulad ng Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney and Transplant Institute ay binawasan din ng budget sa year 2024.


Dahil sa ginawang ‘yan ng mga trapo (traditional politicians) sa Malacañang, Senado at Kongreso, ay asahan nang maraming kabataan ang hindi makapag-aaral sa kolehiyo, at asahan na rin na maraming pasyenteng madededbol dahil kakaunti na lang ang maseserbisyuhan ng mga pampublikong ospital, tsk!


◘◘◘


WALA NA SA AYOS ANG GINAGAWA NG MGA TRAPO SA ‘PINAS -- Sa totoo lang, wala na sa ayos ang mga pinaggagawa ng mga trapo, na noong kampanya sa halalan ay nagsabing maglilingkod sila sa mamamayan.


Mantakin n’yo, imbes dagdagan ang budget para sa mga iskolar ng bayan na nag-aaral sa mga SUCs at dagdagan ang budget sa mga pampublikong ospital para maisalba ang buhay ng mga mahihirap na pasyente, ang ginawa ng mga trapong nanunungkulan sa pamahalaan ay binawasan pa, tapos ang inaprub ay ang naglalakihan nilang (mga trapo) mga confidential funds at pork barrel funds, mga buset!


◘◘◘


TAUMBAYAN INUNGGOY NA NAMAN NG MGA ALAGAD NI P-BBM SA PSA --Inunggoy na naman ng mga alagad ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko nang ianunsyo na bumaba na raw sa 4.8% ang unemployment sa Pilipinas, na ang gustong palabasin ng PSA ay marami na raw ang nagkakatrabaho at konti na lang daw ang jobless sa ‘Pinas.


Nasabi nating malinaw na pang-uunggoy ito sa mamamayan kasi imposible ang sinasabi ng PSA dahil hanggang sa ngayon ay wala pa kahit isang foreign investors ang pumapasok sa bansa para magtayo ng negosyo, kaya ‘yang inanunsyo ng PSA, ay fake news ‘yan, period!


◘◘◘


KAPAG MGA RICE RETAILERS ‘DI NA NAGTINDA NG BIGAS, ASAHAN NANG MAGKAKA-RICE SHORTAGE SA ‘PINAS -- Nanlumo ang mga rice retailers na nagbenta nang palugi sa presyo ng bigas nang sabihin sa kanila ng Malacañang na ang ayudang ibibigay sa kanila ay tig-P15K lang.


Manlulumo talaga, kasi ayon sa mga rice retailers ay mahigit P40K ang malulugi sa kanila sa pagsunod sa utos ni P-BBM na ibenta ng P41 per kilo ang regular milled rice at ibenta ng P45 per kilo ang well-milled rice, tapos P15K lang ang ayudang ibibigay sa kanila.


Kung ganyan na kakarampot lang ang ibibigay na ayuda ng Malacañang sa mga rice retailers ay baka hindi na sila magtinda ng bigas at kapag nangyari ‘yan ay asahan nang sa mga susunod na araw ay magkakaroon na ng rice shortage sa bansa, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page