Rice retailers, ‘di natakot kay P-BBM, tuloy lang!
- BULGAR
- Sep 6, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 6, 2023
MAY UGALI SI P-BBM NA 'MAMBUDOL' KAYA AYAW NG MANIWALA NG MGA RICE RETAILER SA PRAMIS NG PRESIDENTE NA CASH AYUDA — Sa kabila na may pangakong cash ayuda si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (P-BBM) sa mga rice retailer na magbebenta ng regular milled rice sa presyong P41 per kilo at well-milled rice sa presyong P45 per kilo, karamihan sa mga rice retailer ay hindi sumunod sa utos, at sa halip ay ibinenta pa rin nila ang mga paninda nilang bigas ayon sa presyong hindi sila malulugi.
May dahilan ang mga rice retailer na hindi sumunod sa utos ni P-BBM kasi walang katiyakan kung tutuparin ng Presidente ang kanyang pangako dahil nga may ugali itong 'nambubudol', tulad na lang ng pramis niya na gagawin niyang P20 per kilo ang bigas na hindi naman nagkaroon ng katuparan mula nang maluklok siya sa Malacañang.
'Ika siguro ng mga rice retailer, "never na silang magpapabudol" kay P-BBM, boom!
◘◘◘
KAPAG ITINULOY NG DA ANG IMPORTASYON NG IMPORTED NA SIBUYAS, LUGI NA NAMAN ANG MGA MAGSASAKA — Tag-ani ngayon ng sibuyas kaya hindi kakapusin sa suplay nito ang bansa, pero na-shock ang mga magsasaka sa plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ng imported onions.
Kapag itinuloy ng mga alagad ni P-BBM ang pag-angkat ng imported onions sa ibang bansa ay tiyak na malaking dagok ito sa mga magsasaka ng sibuyas kasi ibebenta ito ng mga onion traders o importers sa merkado sa murang halaga na magdudulot para malugi ang mga Pinoy farmers, saklap!
◘◘◘
DELUBYO ANG IDUDULOT NG MANILA BAY RECLAMATION PROJECTS — Hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang pagtatambak ng buhangin sa dagat na sakop ng Manila Bay ng mga kumpanyang may reclamation project dito.
Dapat ipatigil na ni P-BBM ang mga reclamation projects na 'yan sa Manila Bay, kasi kung hindi ititigil ay tiyak delubyo ang magiging dulot n'yan sa mangyayaring mas matinding pagbaha, hindi lang Metro Manila, kundi maging sa mga karatig lalawigan, period!
◘◘◘
'BATA' NI EX-P-DUTERTE SA EMB NAGBIGAY NG PAHINTULOT SA MANILA BAY RECLAMATION PROJECTS — Ang nagkaloob umano ng "Environmental Compliance Certificates (ECC) sa mga kumpanyang nagsasagawa ng reclamation project sa Manila Bay ay ang in-appoint noon ni ex-P-Duterte na mamuno sa Environmental Management Bureau (EMB) na si Engr. William Cunado.
Hindi maglalakas-loob si Cunado na bigyan ng ECC ang mga kumpanyang nagsasagawa ngayon ng reclamation projects sa Manila Bay kung walang basbas ni ex-P-Duterte.
Kung sakaling hindi mapigilan ng gobyerno ang mga reclamation projects na 'yan, mas makakaranas ng pagbaha ang mga taga-Metro Manila at mga karatig lalawigan, at walang ibang dapat sisihin kundi sina Cunado, ex-P-Duterte at P-BBM, boom!





Comments