Rice importers, mga magsasaka sa Vietnam at India, nabibiyayaan sa Rice Tariffication Law, Pinoy farmers, talo

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 6, 2024

BAKA NAMAN ANG GUSTO NI QCPD GEN. MARANAN UTUSAN PA SIYA NI MAYOR JOY BELMONTE BAGO UMAKSYON LABAN KAY GAMBLING LORD ‘BRYAN ADAME’ -- Wala pa rin aksyon si Quezon City Police District (QCPD) Director, Brig. Gen. Redrico Maranan laban sa raket na jueteng at lotteng ni “Bryan Adame” sa iba’t ibang barangay sa Quezon City.
Baka naman ang gustong mangyari ni Gen. Maranan ay utusan pa muna siya ni QC Mayor Joy Belmonte “tokhangin” na si “Bryan Adame” bago siya gumawa ng aksyon laban sa ilegalistang mangraraket na ito, period!
XXX
IPAWALANG-BISA NA ANG RICE TARIFFICATION LAW KASI SA BATAS NA ITO NAWALA ANG NFA RICE, NAGMAHAL PA ANG PRESYO NG BIGAS -- Dapat na talagang ipawalang-bisa ng Senado at Kamara ang Rice Tariffication Law.
Dahil kasi sa batas na ito, nawala sa merkado ang murang presyong NFA rice, at ang masaklap, tumaas nang tumaas ang presyo ng bigas sa ‘Pinas, tsk.
XXX
MGA RICE IMPORTER AT MGA MAGSASAKA SA VIETNAM AT INDIA LANG ANG NABIBIYAYAAN SA RICE TARIFFICATION LAW, TALO RITO ANG MGA MAGSASAKANG PINOY -- Sa totoo lang, sa Rice Tariffication Law, ang mga nabibiyayaan lang ng batas na ito ay mga kapitalistang rice importer at mga magsasaka sa Vietnam at India.
At ang malungkot na katotohanan, sa batas na ito, walang pakinabang dito, talo ang mga magsasakang Pinoy, period!
XXX
SANGKATERBANG TRAPO NA NAMAN ANG NAGSIPAG-EPAL SA PANIBAGONG ‘HARASSMENT’ NG CHINA COAST GUARD SA PHILIPPINE COAST GUARD --Matapos ang huling pangha-harass ng China Coast Guard (CCG) sa Philippine Coast Guard (PCG) vessel sa West Philippine Sea (WPS), ay ang daming trapo (traditional politicians) na naman ang mga nagsipag-epal, na kesyo panahon na raw para dagdagan ng budget ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para mapalakas ang puwersang militar ng ‘Pinas.
Diyan magaling ang mga trapo, ang magsipag-epal, pero pagdating ng national budget deliberation, mas binibigyan nila ng prayoridad ang kanilang mga pork barrel funds, kaysa lakihan ang budget ng AFP, boom!




Comments