Rice black bugs, nanalasa sa Nueva Ecija
- BULGAR

- Nov 20, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 20, 2021

Naglipana ang napakaraming rice black bug o mas kilala sa tawag na alitangya sa kalsada sa isang bayan sa Nueva Ecija.
Ayon sa mga residente, hindi nila batid kung saan nanggagaling ang mga alitangyang ito, na napakabaho umano ng amoy.
Anila, posibleng magdulot din ito ng aksidente sa mga motorista dahil sa pagkalat ng maraming alitangya na nagreresulta sa pagdulas ng daan.
Isang Jan Kevin na residente ng lugar, ang nakuhanan pa ng larawan ang isang ATM machine na pinamugaran na ng alitangya, kaya marahil wala nang magtangkang mag-withdraw ng pera rito.
Inaalam na ng mga awtoridad ang dahilan ng pagsalakay ng mga rice black bugs at kung paano nila mapapatay ang mga peste.
Pinayuhan na rin ang mga residente na magpatay na muna ng kanilang mga ilaw para hindi pasukin ng mga nasabing insekto ang kanilang mga tirahan, kung saan lumalabas umano ito tuwing gabi at nagtutungo sa maliliwanag na lugar.




Comments